SOLI-BAYAD NG MANILA WATER MALABO

manila water12

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY KIN LUCAS) MALABO pa kung makapagpapatupad  ang Manila Water Company ng refund sa mga consumer sa ilang linggong walang tumulong tubig sa kanilang gripo. Sa pagdinig ng House Oversight Committee on Metro Manila, kinumpirma ni Manila Water president and chief executive officer Ferdinand Dela Cruz na magbabayad ang kanilang mga customer kahit na walang dumadaloy na tubig sa mga gripo subalit wala pang napag-uusapan para sa refund dahil sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa water restoration. Sinabi ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales na dapat…

Read More

HABANG MAY KRISIS SA TUBIG; BROWNOUT NAMAN NGAYON

meralco8

(NI DAHLIA ANIN) NAGBIGAY ng abiso sa publiko ang Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit probinsiya dahil sa mga gagawing maintenance. Sa Marso 18-24 ang nakatakdang iskedyul at ilan sa maapektuhan ay ang Caloocan City (TALA), Mandaluyong City (Wack Wack Greenhills East), Pasig City (Kapitolyo, Pineda at Ortigas Center), San Juan City at Quezon City (Central at Vasra, Cubao at Diliman). Maapektuhan din ang ilang kalapit probinsya tulad ng Bulacan (Bocaue at Malolos City), Cavite (Dasmariñas, Imus at Gen. Trias…

Read More

SENADO PASOK NA RIN SA MANILA WATER PROBE

titosotto

(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring kaguluhan hinggil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Sa inihaing Senate Resolution 1028, ni Senate President Vicente C. Sotto III, hiniling nito sa Senate Committee on Public Services at sa iba pang kinaukulang komite na alamin ang ugat at solusyon sa nasabing iregularidad sa supply ng tubig. Sa susunod ng linggo nakatakdang dinggin ni Senadora Grace Poe, chairman ng nasabing komite ang nasabing imbestigasyon. Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na libu-libong pamilya, maging…

Read More

EO VS WATER CRISIS SINIMULAN NA

crisis1

(NI BETH JULIAN) SINIMULAN na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbalangkas ng executive order para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan. Ang aksiyon na ito ng pamahalaan ay para maayos na matugunan ang problema sa suplay ng tubig. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, may ginagawa na namang hakbang ang economic cluster at Cabinet assistance system bago pa man maranasan ang krisis sa suplay ng tubig kaugnay sa  distribusyon. Bukod sa suplay sa tubig, inaayos na rin ng…

Read More

SUPPLY NG TUBIG SA MM KAYA NG ANGAT DAM HANGGANG MAYO

ANGATDAM

(NI ABBY MENDOZA) PINAWI kahapon ng Philippine Atmosphero Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) ang pangamba na tuluyan ding bababa ang water level sa Angat Dam gaya ng sitwasyon ngayon sa La Mesa Dam. Ayon sa PAGASA hanggang Mayo ay may maasahang tubig na manggagaling sa Angat Dam na syang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad para sa mga  residente ng Metro Manila. Sinabi ni PAGASA hydrologist Sonia Serrano na sa monitoring kahapon ay nasa 199.94 ang water level sa Angat Dam,malayo pa ito sa 180…

Read More

PRC UMAYUDA SA WATER CRISIS SA OSPITAL

RED CROSS WATER TANKER

(Ni KEVIN COLLANTES) Maging ang Philippine Red Cross (PRC) ay nabahala at umaksiyon na rin sa kinakaharap na water crisis sa bansa. Nabatid na nagsuplay ng tubig ang PRC sa mga pagamutang nangangailangan nito kasabay nang panawagan sa publiko na magtipid sa tubig. Akay kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, una nilang nirasyunan ng tubig ang Rizal Medical Center sa Pasig City, na kabilang sa mga pagamutan na naapektuhan ng interapsiyon sa serbisyo ng Manila Waters, batay na rin sa kahilingan ni Health Secretary Francisco Duque III. Tumawag umano si…

Read More

‘CLOUD SEEDING’ SOLUSYON SA KAKAPUSAN NG TUBIG

duterte15

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na may mga gagawing hakbang ang  gobyerno para maiwasan na tuluyang mauwi sa krisis ang nararanasang kakapusan sa supply ng tubig sa Metro Manila. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, hinihintay na lamang ang direktiba ni Pnagulong Rodrigo Duterte kaugnay sa problema. Ayon kay Panelo, isa sa nakikitang solusyon ay ang cloud seeding para magkaroon ng artipisyal na pag ulan partikular sa bahagi ng mga dam na pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila. Isa rin ay ang pagkakaroon ng mas malawak na information…

Read More

WALANG ABISONG PAGKAWALA NG TUBIG SA EAST ZONE BUBUSISIIN

TUBIG

NAIS busisiin ang hindi inaasahang pagputol ng supply ng tubig sa Metro Manila at sinisi ang Manila Water dahil sa kapalpakan. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat imbestigahan ang walang abisong pagputol ng supply ng tubig na ikinataranta ng maraming residente at pagka-apekto ng mga negosyo. Kasabay ito ng paghingi ng paumanhin ng Manila Water sa mga apektadong residente ng Mandaluyong, Pasig at San Juan mula March 7 hanggang 8. Iniahayag naman ng Maynilad ang pagkawala ng supply ng tubig mula March 10 hanggang 11 sa…

Read More