TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN

angatdam77

BAHAGYA pang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag. Alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 3 ay nasa 201.71 meters ang water level ng Angat dam. Bagaman ilang araw nang nadaragdagan ay malayo pa ito sa 212-meters na normal high water level ng dam. Kapwa naman bahagyang nabawasan ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.05 meters at 77.69 meters. Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams. Habang walang pagbabago sa water…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG NADAGDAGAN

ANGATDAM

NADAGDAGAN nang bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam. Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes ay nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam. Tumaas nang bahagya kumpara sa 188.34 meters kahapon ng umaga. Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.92 meters. Gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.44 meters. Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams. Habang kapwa nabawasan naman ang water level sa Binga at…

Read More

TUBIG SA ANGAT MALAYO SA NORMAL HIGH LEVEL

angatdam12

(NI DAHLIA S. ANIN) MALABO umanong maabot ng Angat dam ang target na 212 meters na normal high water level nito, ayon sa Pagasa. Hindi rin umano sapat ang dami ng ulan na papasok sa bansa ngayong Nobyembre at Disyembre para mapuno ang dam. Sa pinakahuling tala ng monitoring ng Pagasaay bumaba na naman sa 185.87 meters ang antas ng tubig sa dam mula sa 186.23 noong Miyerkoles. Pati ang Ipo Dam ay nasa below maintaining level din na 100.37 mula sa 100.43 meters. Lumilihis ang mga bagyo na dapat…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam22

(NI KIKO CUETO) PATULOY ang pagbagsak ng lebel ng tubig sa mga pinagkukuhanan ng mga water concessionaires sa Metro Manila. Ang Angat Dam, pangunahing pinagkukunan ng Manila Water at Maynilad, ay muling nabawasan ng supply matapos bumaba ang lebel nito. Kaninang alas-6:00 ng umaga, naitala ang water level sa Angat dam sa 186.77 meters. Mas mababa ito ng 0.08 meters kumpara noong Linggo, October 20, na nasa 186.85 meters. Bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na nakapagtala ng 77.60 meters, mula sa 77.67 meters noong Linggo.…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG BUMABA

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang sunud-sunod na pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam, bahagya itong bumaba, ayon sa monitoring ng Pagasa. Bumaba sa 177.39 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 177.60 noong Lunes. Bukod sa Angat ay bumaba rin ang tubig sa La Mesa dam ng 0.03 meters o 76.63 meters mula sa 76.66 noong Lunes. Maging ang Ipo dam ay bumaba rin sa 100.33 meters mula sa 100.49. Gayundin ang Pantabangan dam na bumaba na sa 195.51 mula sa 195.58 meters. Ang Magat…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGTAAS

ANGATDAM

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang sunud-sunod na pag- ulan na dala ng habagat, muling tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam. Sa tala ng Pagasa, pumalo sa 161.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 161.35 meters noong Sabado ng umaga. Mas mataas na ito sa critical level ngunit mas mababa pa din sa normal level na 180 meters. Tumaas din sa 73.37 meters ang tubig sa La Mesa dam mula sa 73.21 noong Sabado. Matatandaan na ang patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat dam…

Read More

LEBEL NG TUBIG SA ANGAT, SADSAD NA NAMAN

angatdam22

(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, ayon sa weather bureau. Sinabi ng Pagasa na sa kanilang tala kaninang umaga, bumaba ito sa 160.58 mula sa 161.01 noong Lunes. Matatandaan na bahagyang tumaas noong nakaraang Linggo ang tubig sa Dam dahil sa dalang ulan ng Habagat. Nagpapatupad na ng rotational water interruption ang Maynilad at Manila Water, upang mapagkasya muna sa kanilang mga kustomer ang mababang suplay ng tubig. Ayon kay National Water Resources Board Jeric Sevilla, maibabalik lang umano sa normal ang…

Read More

WATER LEVEL NG ANGAT DAM BUMABA

angatdam22

BUMABANG muli ang water level sa Angat dam sa Bulacan ngayong Sabado, ayon sa weather bureau. Ayon sa Pagasa, bandang alas-6:00 ng umaga, nananatiling nasa 161.45 meters ang water level sa dam. Ito ay mas mababa sa 161.86 meters na naitalaga ng alas-6:00 ng umaga nitong Biyernes. Samantala, ang water level sa La Mesa dam sa Quezon City ay bahagyang umakyat ngayong Sabado. Bandang alas-6:00 ng umaga, ang tubig sa La Mesa dam ay naitala sa 72.38 meters. Mas mataas ito sa 72.31 meters na nairekord ng alas-6:00 ng umaga…

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES) PATULOY pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa kabila ng pagdeklara ng Pagasa ng pagpasok ng tag-ulan. Ayon kay Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), batay sa huling monitoring noong Linggo ay nasa 162.39 meters ang water level sa Angat dam. Tinataya pa ng NWRB na umaabot ng 160 meters ang antas ng tubig sa ikatlong linggo ng Hunyo dahil sa tinatawag na monsoon break o pansamantalang pagtigil ng pag-ulan. Kasabay nito, nagbabala si…

Read More