TAIWANESE NASAGIP NG PNP-AKG * Gumahasa sa apo, nasakote

ISANG Taiwanese national ang nailigtas ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Parañaque City.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Gen. Estomo, kinilala ang nailigtas na dayuhan na si Wu Keng Hao.

Ayon kay PNP-AKG spokesman. P/Lt. Col. Rannie Lumactod, isinagawa ang rescue operation matapos silang makatanggap ng ulat hinggil sa pagdukot sa biktima, mula sa isang Dr. Charlie Wu na kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office Police Attaché.

Inabutan ng mga tauhan ng PNP-AKG Intelligence Research and Annalysis Division (IRAD), sa pamumuno ni P/Col Edward M. Cutiyog, ang biktima na mag-isa sa loob ng isang silid sa Pearl Marina Bldg, 28 floor, Unit 24, Parañaque City.

Siniguro naman ng opisyal na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa insidente at maglulunsad ng manhunt operation laban sa mga suspek na dumukot kay Wu Keng Hao noong umaga ng Marso 1, 2021 sa Makati City.

Nabatid na sa pamamagitan ng text message na ipinarating sa TECO ay nakapagsumbong ang biktima kaya’t agad na sumulat ang nasabing tanggapan kay PNP chief, Gen. Debold Sinas.

Nagpadala ng reklamo sa opisina ng hepe ng Philippine National Police ang kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) Police Attaché ng Taiwan Embassy, na dinukot umano ang isang Taiwanese national sa Makati City noong Lunes.

Lumabas sa pagsisiyasat, noong Pebrero 26, 2021 nang mag-apply ang biktima ng trabaho sa pamamagitan ng Telegram App, isang mobile app sa social media platform, na pinapatakbo ng Yinghuang Yule Company, isang Chinese company.

Nasa 13,000 RMB ang napagkasunduang suweldo ng biktima. Sa araw ding iyon, sinundo siya ng isang Pinoy driver at umano’y Chinese na empleyado ng nasabing kompanya.

Dinala ang biktima sa Lelita Hotel sa Pasay City para ma-quarantine.
Matapos ang dalawang araw, sinundo naman siya ng grupo ng mga Chinese at dinala sa Las Piñas City.

Sinabihan din umano siya na ibinebenta siya sa halagang 30,000 RMB para sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company.

Noong Marso 1, muli na naman umanong ibinenta ang biktima sa halagang 30,000 RMB sa isa pang POGO company.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang unit at ang buong palapag kung saan natagpuan ang biktima, ay isa sa isolation facilities ng nasabing POGO company para sa kanilang magiging mga empleyado.

Samantala, isang puganteng itinuturing na top 5 most wanted personality sa isang bayan sa lalawigan ng Misamis Occidental, ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat na isnumite kay PNP-AKG chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, nadakip sa isinagawang law enforment operation ang suspek na si Romulo Macalisang Duhaylungsod alyas “Nonoy,” sa Macrohon Drive, Brgy. Sto Niño, Zamboanga City.

Si Duhaylungsod ay pakay ng arrest warrant na inilabas ni Hon. Roy P. Murallon, presiding judge ng RTC Branch 36, 10th Judicial Region, Caluya, Misamis Occidental, dahil sa panggagasa umano nito sa kanyang sariling apo na isang mentally challenge.

Ayon kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, paulit-ulit na hinalay ng suspek ang apo nito simula noong taong 2014 hanggang sa mabuntis ang biktima dahilan upang mabulgar ang krimen sa Brgy. Caluya, Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

“Indeed, one can hide after committing a crime but not for good since there were a dedicated men in uniform that will eventually come and get him and bring them to the bar of justice to answer for his wrongdoings,” ani Gen. Estomo.

Kasunod ng intelligence information na natanggap ni PNP-AKG Mindanao Field Unit chief, P/Col. Clarence C. Gomeyac na namataan ang suspek sa Brgy. Caluya, Sapang Dalaga, Misamis Occidental, ay nagsagawa ng surveillance and monitoring operation ang mga awtoridad saka inilunsad ang matagumpay na law enforcement operation.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa AKG-MFU HQs, Camp BGen. Batallia, Zamboanga City para sa booking procedures kaugnay sa pagbabalik ng warrant of arrest sa issuing courts para sa issuance ng commitment order. (JESSE KABEL)

159

Related posts

Leave a Comment