Tambalang magpinsan hinamon ni Teves ‘ILEGAL’ BUDGET NG DPWH APRUB KINA BBM, ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINAMON ni Negros Oriental Third District Rep. Arnie Teves Jr. sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez na ipaliwanag sa mga Pilipino ang kanilang pag-apruba sa aniya’y ‘unconstitutional’ na 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa isang online press conference, ipinunto ni Teves na sa inaprubahang 2023 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ng Pangulo at ng Speaker, ang DPWH ay may budget na nagkakahalaga ng P893 billion habang ang Department of Education (DepEd) ay mayroon lamang P832 billion, na labag sa Konstitusyon.

“According to the country’s 1987 Constitution, DepEd must receive the highest budget not the DPWH. It has documentary evidence. It’s not only a question of tradition but of constitutionality that President BBM and Speaker Romualdez must answer and explain to the Filipino people,” pahayag ni Teves.

Binigyang-daan ni Teves na hindi niya intensyong personal na hamunin ang Pangulo at ang Speaker kundi tinatawagan lamang niya ang atensyon ng mga ito sa mga isyu na nais ng netizens at publiko na masagot at magkaroon ng linaw.

“For what’s the use of the Constitution if it’s not being followed? It doesn’t also follow that because you are the President or the Speaker, you can already circumvent the law,” dagdag ni Teves.

Hinamon din ni Teves si PBBM na tuparin ang kanyang pangako noong nakaraang eleksyon na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, at tinawag na “mahina ang liderato ng Pangulo.”

“Where’s the promised P20 a kilo rice? Was that only a trick?” tanong niya.

Idinagdag niyang si PBBM, na tinanggihan ang lahat ng mga hamong debate noong nakaraang eleksyon, ay dapat nang tumayo at harapin ang mamamayan ngayong isa na siyang Pangulo.

Si Teves, na nagsabing nagsagawa siya ng online conference sa isang farm, ngunit hindi niya tinukoy ang lugar, na itinangging sangkot siya sa pagpatay kay governor Roel Degamo, ay nanindigang siya at ang kanyang pamilya ay mga biktima lamang ng ‘political persecution’.

“My brother {Henry), who won the election, was forced to step down,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Teves, may taong nais na kontrolin ang pulitika, kapangyarihan at budget sa kanyang distrito sa Negros Oriental na hindi nakabubuti sa kanyang mga nasasakupan.

275

Related posts

Leave a Comment