TARADOR NG X-RAY INSPECTION PROJECT AGRESIBO SA PAGKOLEKTA

IMBESTIGAHAN NATIN

Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko namamayagpag

Hindi na kinaya ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) ang agresibong pagtatawag sa kanila ng mga nagpapakilalang bagman ng mga bagong opisyal sa ahensya.

Batay sa mga impormasyong ipinadala sa Sumbungan, napag-alaman ng SAKSI Reportorial Team na napalitan na ang hepe ng X-Ray Inspection Project (XIP) na dating pinamumunuan ni Romeo B. Guan na may item na Supervising Customs Operation Officer.

Sa bagong Customs Personnel Order B-101-2019 na inilabas kamakailan, nakasaad na ang bagong itinalagang hepe ay si Bienvenido V. Entico Jr., Customs Operation Officer V na may salary grade 20, isang PMAer at kaklase raw ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Ayon sa mga sumbong, sina Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko na pawang mga nakatalaga sa XIP at Customs Police

Rapid Intervention Group (CPRIG) ay nagtatawag sa mga consignee at broker at direktang nagpapakilala na sila ang ‘bagman’ nina IG at XIP.

Ang ‘tara’ namang hinihingi nila kada container ay hindi bababa sa P5,000. Maliban pa rito, naglalaro naman mula sa P10,000 hanggang sa P50,000 kada container kung espesyal ang transaksyon.

Matatandaang sina Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko ay kabilang sa mga iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) dahil na rin sa pagkakadawit sa tarahan sa loob ng BOC.

Sa report ng mga consignee at broker, alam daw ni Dep. Comm. RR ang mga impormasyong ito subalit tila nagbibingi-bingihan lamang ang opisyal.

Dahil dito, nanawagan ang hanay ng mga consignee at broker na aksyunan ni Dep. Comm. RR ang pamamayagpag ng tatlong tarador na ito. Hinihimok pa nila na magtanong sa mga lehitimong player ang opisyal upang malaman kung paano guma­galaw ang mga ito sa ahensya.

Hinaing ng mga lehitimong consignee at broker, Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko, hinay-hinay lang sa pag-obliga ng ‘tara’ at baka mabulunan kayo.

211

Related posts

Leave a Comment