TARPAULINE NG MGA POLITIKO BAWAL SA MAYNILA

MARIIN ang tagubilin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi pahihintulutan ng city government na basta-basta na lamang magpaskil ng kung anu-anong political materials sa alinmang bahagi ng lungsod.

Ayon sa Alkalde, naging masigasig ang kanilang paglilinis sa lungsod mula sa gulo at panget na sitwasyong iniwanan ng nakalipas na administrasyon, kaya’t hindi nila hahayaang muli itong madumihan ng political materials na ikinukonsidera niyang eyesore lamang.

“Walang pangalan ng politiko sa mga kalsada. Lapida ba ‘yun?” pahayag pa ng alkalde. (RENE CRISOSTOMO)

204

Related posts

Leave a Comment