TESTIGO SA MISSING BEAUTY QUEEN UMATRAS DAHIL SA TAKOT

KINUMPIRMA kahapon ng Philippine National Police (PNP) na umatras na bilang testigo ang kaibigan ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Ito ay bunsod umano ng banta sa kanilang seguridad, kaya umurong ang kaibigan ni Camilon na tumestigo sa kaso.

Inihayag ni PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, natakot ang testigo para sa kanyang buhay kaya naman nagpasya ang kaibigan ni Camilon na umatras na lamang bilang testigo sa kaso.

Subalit nilinaw ng PNP na may sapat silang kakayahan para pangalagaan ang seguridad ng nasabing testigo na nakakaalam umano sa buhay ng nawawalang beauty contestant at sa relasyon nito sa isang pulis na pangunahing suspek sa kaso.

Una nang lumutang na ang nasabing testigo sa kaso ang siyang huling nakausap ng biktima at may kabatiran ito sa malalim na ugnayan at relasyon sa pagitan ni Camilon at ng main suspect sa kaso na si PMajor Allan de Castro.

(JESSIE RUIZ)

24

Related posts

Leave a Comment