TEVES IPINALILIPAT SA CAMP BAGONG DIWA

IPINALILIPAT na ng Manila RTC, Branch 51 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves, Jr.

Kinumpirma ito ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves kaugnay sa kasong pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa.

Gayunman, nais munang malinawan ng kampo ni Teves kung aling utos ang susundin dahil sa naunang commitment order ng Manila RTC Branch 12, na dalhin ang dating kongresista sa Manila City Jail.

Kung susundin kasi, ayon sa kampo ni Teves, ang memorandum ng Korte Suprema ang unang commitment order, at ito ang dapat masunod.

Nauna nang sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na huwag munang alisin sa NBI Facility sa Muntinlupa City si Teves dahil sa inaasahan nilang mga utos ng iba’t ibang korte kung saan may kaso ang kongresista, kung saang kulungan ito dadalhin.

(JULIET PACOT)

22

Related posts

Leave a Comment