RIZAL – Patay ang isang 19-anyos na lalaking suspek sa pagnanakaw makaraang pagbabarilin, habang nasugatan naman ang kasama nito sa insidenteng nangyari sa Brgy. Dalig, Antipolo City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktimang sina John Howard Gabine Domingo, 19, at Ronaldo Ortiz Santos, 30-anyos.
Base sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, naglalakad ang dalawang biktima bandang alas-5:00 ng hapon sa Tapales St., Sitio Tubigan ng naturang lugar nang may humintong kalalakihang nakamotoriklo at pinagbabaril si Gabine hanggang sa mapatay.
Tinamaan din ng bala si Ortiz na itinakbo sa pinakamalpit na pagamutan.
Ayon sa imbestigasyon, inireklamo si Gabine sa kanilang barangay dahil sa pagkakasangkot sa mga insidente ng pagnanakaw. (CYRILL QUILO)
145 