Tiniyak ng Palasyo sa EU ‘BLOODY SUNDAY’ RAIDS IIMBESTIGAHAN

UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa siyam na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.

Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa 9 aktibista at ang diumano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.

“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Ikinagulat ng United Nations human rights office (OHCHR), ang pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon ng pulisya at militar.

Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kamakailan ay sinabi rin ni OHCHR spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.

Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.

Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa 9 Tumandok sa Panay. (CHRISTIAN DALE)

85

Related posts

Leave a Comment