“PUBLIC office is a public trust. When people have lost their trust in you, delicadeza at the very least should drive you to resign.”
Ito ang mensahe ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa gitna ng alegasyon na mina-magic ng mga ito ang lotto at walang totoong nanalo sa malalaking premyo.
Nagsimulang magduda ang mga tao sa lotto draw dahil tanging sa Pilipinas lamang umano nangyayari na maya’t maya ay may nananalo lalo na kapag malaki na ang premyo samantalang sa ibang bansa ay hirap na hirap ang mananaya na maka-jackpot.
“Was there a need to publish the pictures of the winning bettors? While there was none, PCSO GM Robles probably wanted to allay alleged rumors that some draws were not actually won and that the published winners were fictitious or staged, that he had to enlist the help of AI technology,” ayon sa mambabatas.
“The result was both disastrous and hilarious. Instead of allaying those fears and rumors of fake winners, he succeeded in creating a conflagration. What used to be confined to the Mattresses is now a full blown scandal exploding in his face that nothing less than his removal as GM or resignation could put the fire out,” dagdag pa nito.
Itinuturing ng mambabatas na “highly improbable and doubtful winnings” ang nangyayari sa lotto draw sa Pilipinas na napakadali kapag malaki na ang jackpot ay meron na agad nananalo at hindi man lamang umaabot ng billion tulad sa ibang bansa.
Dahil dito, hindi aniya masisisi ang mga tao na magduda.
Si Robles, base sa mga ulat ay kabilang sa malalaking donor sa presidential campaign ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong 2022 at naging Administrator ng Light Rail Transit Administration (LRTA) noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“This is another case of failed and weak screening and vetting processes of appointee,” ayon pa kay Barbers dahil noong October 1, 2022 ay nasangkot din sa eskandalo ang PCSO nang umabot sa 433 bettors ang nanalo at naghati-hati sa P236 million na imposible umanong mangyari.
(BERNARD TAGUINOD)
136