NADAKIP ng mga tauhan ni PNP-Zambales Police Director P/Col. Romano V. Cardiño ang suspek sa panggagahasa sa pamangkin nitong 14-anyos sa Subic, Zambales.
Kinilala ni P/Col. Cardiño ang tinaguriang top 5 most wanted person ng lalawigan na si Annjoe Vera Rondolo alyas “Jokla” ng Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales.
Nauna rito, nagsagawa ng intelligence and surveillance operation ang grupo ni P/Maj. San Juan Felmar D. Aquino, acting chief of police, para isilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Theresa B. Hilario-Logronio, presiding Judge ng RTC Branch 12, 3rd Judicial Region, Olongapo City. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek.
Pagkaraan ay nagsagawa ng law enforcement operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Si Rondolo ay inakusahang gumahasa sa kanyang pamangkin na si Noemi, Grade 9 pupil, sa bahay ng biktima sa Preda Foundation, Sitio Gala, Brgy. Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales noong nakalipas na taon.
“Through PNP-ZAMBALES intelligence-driven manhunt operation and the cooperation of the community, the accused was arrested at Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales,” ani P/Col. Cardiño.
Pansamantalang nakadetine ang suspek sa Subic MPS lock-up jail. (JESSE KABEL)
184
