TOURISM INDUSTRY BUBUHUSAN NG PONDO

SINIGURO ng Malakanyang na bubuhusan ng pondo ng gobyerno ang mga nasa sektor ng turismo sa harap ng unti-unting pagbabalik ng operasyon ng mga ito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi lang P4 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para tulungang makabangon ang mga nasa tourism industry na naapektuhan ng pandemya.

Bukod sa P4 bilyong pondo para sa tourism sector na hinugot sa Bayanihan 2 Act ay may budget ding inilaan na nakapaloob sa 2021 proposed fund.

“Implementing rules and regulations” na lang ayon kay Sec. Roque mula sa Tourism Department ang hinihintay at maaari nang ipamahagi ang tulong.

Ito, ayon kay Sec. Roque ay nasa anyo ng tinatawag na mga soft loans na maaaring gamiting kapital ng mga nag-o-operate ng negosyo na may kinalaman sa turismo para muling makapagbukas.

“Ito iyong mga soft loans na tinatawag, dahil alam natin na nangangailangan ng capital ang mga nag-o-operate po ng negosyo sa turismo para mag-reopen muli,” ayon kay Sec. Roque.

“So, hintayin lang po natin ang implementing rules and regulations na iisyu po ng DOT at mayroon naman pong tulong na nakalaan.

Ito po ay panimula lamang sa Bayanihan II, mayroon pa ring mga bagong tulong na nakalagay po or provided doon sa ating 2021 proposed budget,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

175

Related posts

Leave a Comment