TRADER BINARIL SA AWAYAN SA LUPA

CAVITE – Sugatan ang isang negosyante makaraang barilin ng kaanak dahil sa awayan sa lupa sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Biyernes ng gabi.

Unang isinugod sa Saint Mazenod Hospital saka inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Roy”, isang negosyante, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Kinilala naman ang suspek na si alyas “Aljon”, 33, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, naninigarilyo ang biktima sa harapan ng isang sari-sari store sa Brgy. Ipil 1 bandang alas -7:30 ng gabi nang lapitan siya ng suspek.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hinggil sa manang lupa ng kanilang pamilya hanggang sa nagbunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

(SIGFRED ADSUARA)

74

Related posts

Leave a Comment