INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021 Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.
Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.
Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.
Ang mga bansa ay India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates. (CHRISTIAN DALE)
174 