TRIKE DRIVER HULI SA P350K SHABU

LAGUNA – Nadakip ang isang tricycle driver na kabilang sa drug watchlist, at nakumpiskahan ng P350,000 halaga ng hinihinalang shabu sa kanyang kwarto sa bayan ng Santa Cruz sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, P/Col. Serafin Petalio II, kay Calabarzon Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., kinilala ang suspek na si Arnold Cabigan Agus, 47, residente sa Sitio 4, Purok Imelda, Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing lugar, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Divinagracia G. Bustos-Ongkeko, Executive Judge ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Santa Cruz, Laguna, laban kay Agus.

Nakuha ng mga awtoridad sa kuwarto ng suspek ang 11 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets at 1 knot-tied transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang P350,000 ang street value. (CYRILL QUILO)

193

Related posts

Leave a Comment