TROJAN HORSE

WALANG sinumang tao sa mundo na nasa edad na ang hindi nakakaalam sa kasaysayan ng Kingdom of Troy. Lahat siguro ay nakabasa na sa kasay sayang ito at ginawan na ito ng pelikula.

Bumagsak ang Kingdom of Troy sa tinaguriang Trojan Horse na pinagtaguan ng mga Spartans kasama ang Greek Hero na si Achilles para gumanti sa pag-kidnap ni Trojan Prince Paris sa Queen of Sparta na si Helen.

Sigurado ako na alam ng magigiting nating sundalo ang kasaysayang ito dahil kasaysayan ito ng digmaan na naganap bago dumating ang Panginoong Jesus sa Mundo.

Bakit ito ang ating topic sa DPA as in Deep Penetration Agent? Dahil sa pag payag ng Department of National Defense (DND) na magtayo ng tower ang DITO Telecommunity, ang third player ng Telecommunication Industry sa bansa sa loob ng military camp.

Marami ang naniniwala na ang DITO telecommunity ay magiging Trojan Horse ng China para magkaroon sila ng access sa military camp at first line of defense ng Pilipinas.

Pag-aari ng China Telecom ang 40% sa DITO Telecommunity at dahil sila ang eksperto sa pagpapatakbo ng telecom business at hindi ang kanilang local company na pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy.

Tingnan nyo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 40% ay pag-aari na ng China at ang mga Chinese nationals ang nagpapatakbo sa kumpanyang ito kahit ang 60% ay pag-aari ng mga Filipino.

Marami ang report na inoobliga ang mga Chinese state owned company na tumulong sa China Communist Party sa kanilang intelligence gathering kaya ano ang kasiguraduhan na ‘pure business’ lang ang misyon ng China Telecom sa Pilipinas.

Kahit ang Amerika ay pinapalayas sa kanilang bansa ang China telecom dahil sa usapin ng national security sapagkat alam nila ang impluwensya ng China government sa kumpanyang ito.

Hindi yan gagawin ng Amerika kung pure business lang ang gagawin ng kumpanyang ito pero dahil sa impluwensya ng kanilang gobyerno sa mga ganitong negosyo, pinapaalis ang mga ito ni US President Donald Trump lalo na’t gustong sapawan ng China ang United State (US) at maging hari sa mundo. Ambisyoso kaya si Chinese President Xi Jinping.

Napakaimportante ng military camp sa seguridad ng Pilipinas kaya walang ibang bansa na dapat magkaroon ng access diyan lalo na ang China na patuloy na banta sa ating seguridad.

Ok lang na kung wala tayong isyu sa China kaso kinamkam na nila ang ating teritoryo sa West Philippine Sea at hindi pa natin tuluyang isinusuko sa kanila ang teritoryong ito kaya interesado sila sa bawat galaw natin.

Kailangan nila ang mahahalagang impormasyon na gagawin ng ating Armed Forces of the Philippines (AFP) na naatasang magtanggol sa ating soberenya kaya hindi nakakapagtatakang ito ang puntirya nila sa kanilang intelligence gathering.

At papaano nila gagawin yan ng walang kahirap-hirap? Pasukin ang mga military camp sa Pilipinas. Maglagay ng Trojan Horse!

192

Related posts

Leave a Comment