SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng ECQ mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery ng cargo.
Iniulat din ni Abalos kay Pangulong Duterte ang napag-usapan ng Metro mayors tulad ng curfew para limitahan ang paggalaw ng tao. Iiral ito alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Ang public transportation ay magpapatuloy, habang ang quarantine passes ay ang mga LGU ang magi-issue.
Ang liquor ban ay nasa desisyon na rin ng mga alkalde. (CHRISTIAN DALE)
