TRUST GOD OF HOPE

Hope ni Guiller Valencia

I’d like to share this verse in the book of Romans as my blessing word to everyone at the beginning of this year.

“May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.” (Romans 15:13, NIV)

Last year 2024, did you trust God of hope? Maging sa nakalipas na mga taon, sino ang ating pinagkatiwalaan o to whom we trust? Ito ba ay ang Diyos na nagbibigay ng pag-asa at kapayapaan sa buhay?

Sa panahon ngayon, mas higit na nagtitiwala ang tao sa mga bagay na nakikita, sa mga makapangyarihan o maimpluwensyang tao, sa kayamanan, sa abilidad, sa kalakasan at sa karunungan. Those things where we put our trust, ang mga ito ay marahil saglit na nakapagbibigay ng ligaya at kapayapaan subalit panandalian lamang. At to the extent, hindi nga nakapagdudulot ng tunay na joy and peace ang nararanasan.

Halimbawa, ang expensive bed can’t give you peace all the way and sound sleep because of worries of many things in life. Ang alak ay nagpapasaya nang bahagya eventually lilipas din and it’s not real joy. Kaya ang wish and word of blessing ko sa bawat isa sa atin ang sinabi ni Apostol Paul, “May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him…”

Ang joy na ito ay joy of salvation, sabi nga ni King David, restore to me the joy of salvation. We can experience this kind of joy sa pamamagitan ng pagtanggap sa Panginoon Jesus bilang personal na Lord and Savior. Gayundin, ang real peace ay matatagpuan sa Panginoon Jesus, May kanta nga, “My peace I give unto thee it’s a peace that the world cannot give.”

May phrase naman na ganito,” No God no peace; know God know peace.”

Remember the story of the disciples while they were in the sea. Nagkaroon ng storm at ang mga alagad ay natakot at nag-alala nang husto but they forgot na kasama nila ang Prince of Peace, ang Panginoon Jesucristo na nagpatigil ng storm. Doon naranasan nila ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng Panginoong Jesus na kasama nila. Likewise, kahit saan tayo magpunta at siya ang ating Lord and Savior, we will experience the real peace and joy in our life.

Do not forget to receive Jesus Christ as your personal Lord and Savior! (giv777@myyahoo.com)

13

Related posts

Leave a Comment