TUMAHIMIK KASI SALABIT?

ISA sa karaniwang ginagawa ng mga botante sa tuwing sasapit ang halalan ay ang pagkilatis sa mga kandidato – mula sa negosyo, trabaho, pamilya at maging ang madilim na yugto ng kanilang nakaraan.

Sa isang banda, tama rin naman. Bakit ka nga naman maghahalal ng isang nagkukunwaring banal? O di naman kaya’y pasok sa kategorya ng mga hangal.

Sa isang lungsod sa gawing hilaga ng Metro Manila ay ang Lungsod ng Caloocan kung saan isa sa mga kandidato sa posisyon ng alkalde ang nalalagay sa gitna ng kontrobersiya. Siya si Congressman Edgar Erice na higit na kilala sa walang takot na patutsada.

Ang siste, kakaibang Erice ang nakikita sa kanya ng mamamayan ng lungsod na kanyang kinakatawan sa Kamara. Ang dating putak ng putak, biglang nanahimik – kundi man natameme bunsod ng isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Isyu number one – droga. Marso 2018 nang arestuhin ng pulisya ang dalawang indibidwal sa salang pagbebenta ng droga. Isa sa kanila nagngangalang Edgar Erice. Nang sumambulat ang balita, itinanggi niyang anak ang nadakip na kapangalang may buntot na “Junior” sa kanyang apelyidong dala.

Gayunpaman, sadyang mahirap itanggi lalo pa’t kung mamasdan ang kongresta’t ang anak na arestado dahil sa droga, para silang pinagbiyak na bunga.

Ang siste, hanggang ngayon pinanindigan niyang di niya kilala si Edgar Jr. na ayon mismo sa mga kaanak ay palihim pang tinutulungan ng nakatatandang Erice. Sa totoo lang, normal lang naman kahit kanino ang protektahan ang anak – pero hindi sa maling paraan, at lalong hindi kunsintihin ang maling nakasanayan. Dito na nagkandaletse-letse ang political career sa pulitika ni Erice.

Isyu number two – May number two pala. Pati pamilya, balita ko’y nagkakagulo dahil ang kongresista, nabistong may pangalawang pamilya. At may bonus pa – ang anak sa kabila, dayunyor pa niya. Aba… bohemyo talaga! Si Adonis, walang panama.

Hindi na nakapagtatakang ang dating pinakamaingay na kritiko ni Pangulong Duterte, ngayon ay biglang natameme.

Sa isang banda, tama rin naman manahimik kesa maungkat lalo ang isyung pilipit.

Pero kwidaw! Hindi tanga ang mga botante ng Caloocan. Marahil naglalaro sa kanilang isipan ay ito – guilty kasi totoo!

184

Related posts

Leave a Comment