Tumakas sa Iloilo, natunton sa Cavite RAPIST DAD LAGLAG SA PNP-AKG

ARESTADO sa ikinasang law enforcement operation ng mga tauhan ni Philippine National Police–Anti-Kidnapping Group chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang isang lalaking itinuturing na kabilang sa most wanted persons sa Iloilo makaraang gahasain ang kanyang sariling anak na dalagita.

Ayon kay P/BGen. Estomo, armado ng warrant of arrest ang mga operatiba nang damputin ang suspek na kinilalang si Jovenal Ancuna Barrios dahil sa kasong rape with carnal knowledge o paglabag sa Art. 266-A, Par. 1 in relation to Art. 266-B ng RPC, as amended by RA 8253.

“This is another PNP-AKG effort to eliminate and apprehend all on the loose criminals, stemmed on the intelligence-driven police operations that had been hot on the trail against the suspect. The latter was being monitored from his transfer from one place to another up to his present location,” ani Estomo

Si Barrios ay dinakip bandang alas-10:00 noong Martes ng umaga sa harapan ng SM Bacoor sa Terona St., National Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite, ng mga tauhan ng PNP-AKG Visayan Field Unit, sa pamumuno ni P/Col. Salvador T. Alacyang, na tumugaygay sa suspek mula sa lalawigan ng Iloilo.

Nabatid kay Major Ronaldo Lumactod, tagapagsalita ng PNP-AKG, nakipag-ugnayan ang PNP-AKG, kasama ang Dueñas Municipal Police Station, kung saan nangyari ang krimen, sa mga tauhan ng Cavite Provincial Police Office, upang isilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Domingo L. Casiple Jr., Acting Judge ng RTC Branch 63, 6th Judicial Region, PD Montfort North, Dumangas, Iloilo City.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek hinggil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon pa kay Maj, Lumactod, natunton ng kanilang mga ahente ang suspek makaraang tumakas ito mula Visaya at magtago sa Cavite.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP-AKG ang suspek para sa medical examination, booking procedures at tactical interrogation bago ibabalik ang warrant of arrest sa Dueñas, Iloilo. (JESSE KABEL)

221

Related posts

Leave a Comment