Unang kaso ng covid sa PBA bubble

KUNG anuman ang kapalarang naghihintay sa repering nagpositibo sa COVID-19 makaraang sumailalim sa antigen test ay malalaman ngayong araw o bukas.

Ang naturang opisyal na hindi pinangalanan ay inalis sa Quest Hotel kung saan ang 300 kataong delegasyon ng PBA ay nakahimpil, at inilipat sa Clark athletes’ village para sa 14-araw na quarantine at karagdagang pagsusuri.

Ang opisyal ay isa sa tatlo-kataong nagreperi sa laro ng Alaska Aces at Blackwater Elite noong Martes sa ginaganap na 2020 Philippine Cup. Nakatakda siyang isailalim sa isa pang RT-PCR test kahapon.

“We have to wait two or three days pa bago lumabas ang resulta ng test,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial sa SAKSI NGAYON. “So, bukas o Sabado pa natin malalaman kung anong susunod nating hakbang.”

Umaasa si Marcial na makapapasa ang reperi sa nasabing pagsusuri gaya ng naging resulta noong una siyang sinailalim sa test pagdating sa Clark bubble.

Pinasuri ang reperi noong Oct. 19 kasama ng 27 iba pa na nag-negative, anang league commissioner. “He had previously tested negative three times, twice before entering the bubble and once after.”

Si Marcial, kasama ang Clark Development Corporation (CDC) at Bases and ­Conversion Development Authority (BCDA) ay nagpalabas ng pahayag na ang pinakahuling resulta ay maaaring isang kaso ng “false positive.”

Ang nasabing obserba-syon ay sinang-ayunan ni Dr. George Canlas, taga-payo ng PBA sa bubble.

“May I suggest we wait for the results of the swab test done yesterday. All indications point. (though), to a “false positive,” pahayag ni Dr. Canlas sa Sala sa Init…

“Nevertheless, we’re still asking all concerned to take all the needed precautions for the good of everybody,” sabi naman ni Marcial para na rin sa mga opisyal at manlalaro ng Alaska at Blackwater.

Sa kabila ng mga nangyari, binigyang pahintulot ng CDC ang PBA na ituloy ang nasimulan nang ­Philippine Cup o All-Filipino ­Conference “with stricter measures.”

Ito ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa PBA simula nang ipatupad ang lockdown sa lahat ng sports activities sa bansa walong buwan na ang nakalilipas.

Sa kabila nito, kung ilan ang naiwan sa pito-kataong pool ng PBA referees ay sila ang mago-officiate ng ­back-to-back games bawat araw ng laro, ani Marcial. Ngunit sila ay dadagdagan ng dalawa o tatlo pang huhugutin sa Maynila.

“Siguro, we’ll assign three referees to enter the floor during games so the alternate referee can officiate in the second game. We’re pacing the officials, too,” sabi ni Marcial.

Samantala, lahat ng mga kaganapan sa loob ng hotel gaya ng sa swimming pool at gym ay suspendido muna.

“Even jogging will temporarily be stopped to give way to disinfecting,” ­pahayag pa ng commissioner.

102

Related posts

Leave a Comment