Usapin sa Ivermectin aapurahin DEFENSOR, ET AL DUDULOG SA SC

DUDULOG na sa Korte Suprema ang grupo nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta para pilitin ang gobyerno na payagan na ang paggamit ng gamot na Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19.

Kahapon ay ihahain sana nina Defensor at Marcoleta ang mandamus subalit naudlot ito dahil sa paglakas ng bagyong Fabian na naging dahilan para masuspinde ang trabaho sa Korte.

“Its about time na magfile na talaga (ng case sa Supreme Court). Why? Papasok na ang Delta Variant,” ani Defensor. Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit dumarami muli ang COVID-19 cases sa mga bansa sa mundo.

“Ang gusto natin magkaroon na ng distribusyon ng Ivermectin. Allow everyone to have access para sila ay makainom na lahat ng Ivermectin. Magkakaroon ng access lahat,” ani Defensor.

Ayon naman kay Marcoleta, nasa malubhang kalagayan ngayon ang bansa at kailangang pilitin ang mga ahensya ng gobyerno na mag-isyu ng agarang patakaran tulad ng paggamit ng Ivermectin.

Epektibo sa Delta variant

Kapwa naman kinumpirma nina Doc. Rafael Castillo at Iggy Agbayani na epektibo ang Ivermectin sa Delta variant dahil maraming virus umano ang pinapatay nito kumpara sa COVID-19 vaccines.

“There are very good reason to believe kayang-kaya pa ng Ivermectin (ang Delta variant) because Ivermectin works in different site, hindi lang sa isa. Hindi lang sa isa na yung para mapigilan ang pag-enter ng virus sa cell,” ani Castillo.

“Ang tandaan nyo ang vaccine po ay hindi niya napapatay diretso yung virus. Pero ang Ivermectin may evidence na napapatay niya nang diretso ang virus sa test tube at ito ang lumabas sa study sa Australia at napatunayan na nahihinto niya o napapatay niya ang virus,” ayon pa kay Agbayani. (BERNARD TAGUINOD)

100

Related posts

Leave a Comment