VILLAR NANGUNA SA PAMAMAHAGI NG WHEELCHAIR SA KABABAIHAN, PWDs SA CABUYAO

CABUYAO, Laguna — Pinangunahan ni Senador Mark A. Villar ang pamamahagi ng mga wheelchair at grocery packages sa mga benepisyaryo sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

Ayon kay Villar, layunin ng programa na matiyak na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga kababaihan at persons with disabilities (PWDs), lalo na ang mga nangangailangan ng tulong medikal sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

“Sa pagdiriwang ng Women’s Month, nais nating tiyakin na walang maiiwan, lalo na ang ating mga kababaihan at PWDs na nangangailangan ng tulong medikal at suporta,” ani Villar.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng kanyang wheelchair assistance caravan, na bahagi ng patuloy na inisyatiba ng senador upang isulong ang mas accessible na serbisyong pangkalusugan at inklusibong lipunan.

Binigyang-diin ni Villar ang kahalagahan ng patuloy na pagsusulong ng mga programa at batas na magtataguyod sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.

79

Related posts

Leave a Comment