Viyline MSME Caravan inilunsad na sa SM Supermalls!

(L-R): SM Supermalls Executive Vice President for Marketing Jonjon San Agustin at Viyline Media Group Chief Executive Officer (CEO) at content creator Viy Cortez-Velasquez, sa paglulunsad ng Viyline MSME Caravan sa SM malls, na may layuning pag-samahin ang social media content creation at entrepreneurship.

Maghanda na para sa pinakahihintay na collab ng Viyline Media Group na pinangungunahan ng sikat na vlogger at power couple na sina Viy Cortez at Cong TV at SM Supermalls. Ngayong Enero, ilulunsad ang Viyline MSME Caravan na may layuning i-empower ang mga MSMEs.

Ngayong Enero 22-29, 2025, ilulunsad ang year-round project na ito sa SM City Bataan, tampok ang mga produkto at serbisyo ng mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs). Sa tulong ng mga sikat na Filipino vloggers at influencers, layunin nitong mas maipakilala ang mga business ng MSMEs sa maraming tao.

(L-R): Viyline Media Group Marketing at Advertising Manager Karol Louie Manalac, Viyline Media Group General Manager Rolando Cortez, Viyline Media Group Chief Executive Officer (CEO) at content creator Viy Cortez-Velasquez, at SM Supermalls Assistant Vice President for MSMEs Royston Cabunag sa Memorandum of Agreement Signing Ceremony noong November 2024.

Sa suporta ng SM Supermalls, magbibigay sila ng prime venues para sa caravan sa iba’t ibang SM malls sa buong bansa. Kasunod ng tagumpay ng Team Payaman Fair sa SMX Convention Center Manila noong Disyembre, ang collab na ito ay pagsasama ng Viyline’s influencer network at iconic spaces ng SM para lumikha ng mas dynamic na marketplace para sa MSMEs.

“Hindi lang namin layunin na bigyan ng espasyo ang MSMEs—gusto rin naming maging active na suportahan sila sa pamamagitan ng influencer-driven promotions na mas magpapakilala sa kanila sa kanilang target audience,” ani ni Viy Cortez.

Ang Viyline MSME Caravan sa SM City Bataan ang unang hakbang pa lang ng proyekto. May iba’t ibang SM malls pang susunod, kaya’t siguradong maraming MSMEs ang makikinabang dito.

Bukod sa business opportunity, ipinapakita rin ng event na ito ang lumalaking partnership ng influencers, businesses, at mga malalaking mall operators tulad ng SM Supermalls.

Narito ang mga unang schedule ng caravan:
📍 SM City Bataan: January 22-29 #ViyLuckyInBataan
📍 SM City Baguio: February 19-25 #ViyInLoveInBaguio
📍 SM City Dasmariñas: March 26-April 1 #ViynibiniSaDasma

Abangan ang influencer meet-and-greets, masasayang laro kasama ang inyong paboritong Key Opinion Leaders (KOLs), at mga unique local finds mula sa MSMEs!

Huwag palampasin ang susunod na schedule ng Viyline MSME Caravan sa pinakamalapit na SM Supermall! Para sa updates, bisitahin ang www.smsupermalls.com o sundan ang @SMSupermalls sa social media. Sama-sama nating itaguyod ang mga negosyanteng Pilipino! #SMForMSMEs

About SM Supermalls

SM Supermalls, owned by SM Prime Holdings, is the leading mall developer and operator in the Philippines. As a staunch advocate for MSMEs, SM Supermalls is dedicated to helping Filipino entrepreneurs succeed. Join our thriving marketplace across 80+ malls nationwide. Visit www.smsupermalls.com/sm-for-msmes/ to download your MSME application or email us at customercare@smsupermalls.com with your most innovative product and preferred location. Don’t miss this opportunity to grow your business with SM Supermalls today!

65

Related posts

Leave a Comment