VLOGGER MULA BUTUAN, WAGI NG ₱600,000 TAX-FREE SA ISONUS STREAMING PROMO!

(Nasa larawan mula kaliwa) ISONUS Incorporated CEO Raymart Castillo, Raffie Alaga, Chief of the Consumer Protection Division and Chief Trade and Industry Specialist, Ms. Arcily Gonzaga. (Danny Bacolod)

NAPALUHOD at naiyak si Raffie Balaga, isang 22-year-old aspiring vlogger at freelance barista, nang malaman niyang siya ang nanalo ng ₱600,000 tax-free mula sa ISONUS — isang Filipino-made rewards and entertainment platform kung saan panonood lang ng content ang kailangan para magkaroon ng chance manalo ng life-changing prizes.

Hindi siya makapaniwala—pero sa puso niya, alam niyang darating ang araw na ‘yon. Araw-araw siyang nagdarasal. Araw-araw niyang iniisip na siya ang mananalo. Pinlano na nga niya kung saan mapupunta ang pera kahit wala pa ito. Kasi sa punto ng buhay niya ngayon, ang pinaka-kailangan niya ay isang panibagong simula.

“We didn’t build ISONUS to take chances away from people — we built it to give them a chance to dream again,” said CEO Reymar Castillo. “This isn’t gambling. Misyon namin ang i-reward ang content creators at viewers. Gawa ng Pilipino, para sa Pilipino. At para sa mga tulad ni Raffie — ‘yan ang puso ng ISONUS.”

Si Raffie ang kauna-unahang jackpot winner ng ISONUS. At ngayong araw, pormal na siyang ginawaran ng kanyang ₱600,000 prize sa isang awarding ceremony sa DTI Agusan Del Norte office, sa harap nina Division Chief of the Consumer Protection Division and Chief Trade and Industry Specialist, Ms. Arcily Gonzaga, and Mr. Troy Felias, DTI Sales & Promo Specialist, ISONUS CEO Mr. Reymar Castillo, at mismong pamilya ni Raffie. Ang winning entry niya? “F,E,L,I,C” — pangalan ng kanyang ina na si Felicisima. At ‘yun mismo ang kombinasyong nagbago ng lahat para sa kanilang pamilya.

Tahimik pero matatag ang kwento ni Raffie. Pitong taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa diabetes. Mag-isa nang itinaguyod ng kanilang inang si Felicisima si Raffie at kanyang tatlong kapatid sa pamamagitan ng isang maliit na sari-sari store.

Noong unang beses na bumisita ang ISONUS team sa bahay nila Raffie, nag-alinlangan pa silang papasukin ang mga bisita. Nagiba kasi ang ilang parte ng bahay at hindi na ito maayos para sa kahit sinong gustong dumalaw. Hindi na rin nagagamit ni Raffie ang kanyang school uniform — matagal na kasi siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera.

Pero kahit ganun, hindi siya nawalan ng pag-asa. Nakikigamit siya ng cellphone ng kuya niya para makapag-vlog, manood ng ISONUS videos, at makapagsubmit ng entries sa DTI-registered game promo ng ISONUS na ‘Keep Your Eyes On Us.’

At nung siya na nga ang nanalo, nagsimula ang bagong yugto ng buhay niya.

Plano niyang bumili ng sarili niyang phone para makagawa ng mas magandang vlog content, bumili ng motorsiklo para sa araw-araw na biyahe at emergency, dagdag puhunan sa tindahan ng nanay niya, at higit sa lahat — tuparin ang pangarap niyang magkaroon ng sariling coffee shop.

Barista si Raffie sa Butuan, at gusto niyang magkaroon ng negosyo na hindi lang masarap ang kape, kundi puno rin ng pag-asa.

Para kay Raffie, hindi lang ito basta pera. Isa itong second chance. Isang tagumpay — hindi lang para sa kanya, kundi para sa buong pamilya niya.

“Panalo ito ng mama ko. Panalo ito ng pamilya ko,” ani Raffie.
“This is more than money. This is a miracle,” dagdag pa niya. “At ang ISONUS ang naging tulay.”

Lahat ng ito ay naging posible dahil sa ISONUS — ang bagong entertainment platform kung saan ang viewers at creators ay pwedeng manalo — no gambling, just real rewards and engagement.

Ang pagkapanalo ni Raffie ay patunay na sa pamamagitan ng dasal, intensyon, at isang platform na tunay na nagbibigay ng rewards tulad ng ISONUS — posible ang tunay na pagbabago ng buhay.

At para sa isang pamilya sa Butuan, nagsisimula pa lang ang bagong kwento.

Sabi nga ni Raffie: “Thank you, Lord. At thank you, ISONUS. Binigyan niyo ako ng ng bagong simula.”

(Danny Bacolod)

413

Related posts

Leave a Comment