VOTER REGISTRANTS LAGPAS NA SA TARGET – COMELEC

PATULOY na dumadagsa ang mga botante na nagpaparehistro sa mga site sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Noong Huwebes, umaabot na sa 1.2 milyon ang naitalang voter registrants.

Una nang sinabi ng komisyon na target lamang nila na umabot sa isang milyon ang registrants na umabot naman noong Martes makalipas ang limang araw mula nang simulan ito noong Agosto 1.

Sa inilabas na datos ng poll body, nakapagtala ng 1.204,144 registrants mula noong Agosto 1 hanggang 6.

May pinakamaraming bilang ng aplikante ang Calabarzon na may 154,987, sinundan ng Central Luzon na may 130,767 aplikante, at ang National Capital Region na may 95,373.

Ang huling bilang ay nag-udyok sa Comelec na dagdagan ang kanilang target na bilang ng registrants sa 1.5 milyon.

Magtatagal ang voter registration ay hanggang Agosto 10.

(JOCELYN DOMENDEN)

39

Related posts

Leave a Comment