VP SARA TUMANGGAP NG CAMPAIGN DONATION MULA SA TOP FLOOD CONTROL PROJECT CONTRACTOR NG DAVAO – REPORT

TUMANGGAP si Vice President Sara Duterte ng campaign donation mula sa isang malaking kontratista ng flood control project sa Davao Region, ayon sa isang special report ng Rappler.

Batay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Duterte, nagbigay ang Escandor Development Corporation—na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanilang pamilya zna si Glenn Escandor—ng P19.923 milyon para sa kanyang campaign ads noong 2022 elections.

Iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na malaki ang itinaas ng mga kontrata ng Genesis88 Construction mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Ayon naman sa Rappler, nakakuha ang kumpanya ng halos P7 bilyong halaga ng kontrata mula sa DPWH sa pagitan ng 2018 at 2024.

Mula 2023 hanggang 2024, nakakuha ang Genesis88 Construction ng tinatayang P2.9 bilyon na halaga ng kontrata mula sa pamahalaan.

Sa panahong iyon, nakuha ng kumpanya ang kabuuang 35 proyekto sa Davao Region. Kung ikukumpara, karamihan sa ibang construction firm ay nakakuha lamang ng isa hanggang limang proyekto.

Samantala, sinasabing nakakuha ang kapatid ng Bise Presidente na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng P51 bilyong pondo para sa flood control projects sa huling tatlong taon ng administrasyon ng kanilang ama.

Nang usisain tungkol dito, umiwas ang mambabatas at ibinaling ang usapan sa tanong kung bakit tila nakatuon ang mga ahensya ng gobyerno sa imbestigasyon sa kanyang distrito habang pinipikit naman ang mata sa mas malalaking iregularidad sa ibang lugar.

48

Related posts

Leave a Comment