MASAKIT na ang ulo ng mga nasa campaign team ni Leni Robredo.
Lahat na lang kasi ng gimik ay ginawa na nila para lamang sumipa ang kanyang survey ratings pero maliwanag na walang epekto ito sa mga botante.
Sinubukan na nila na magkunwaring marami ang mga dumadalo sa kanilang mga concert rally sa pamamagitan ng paghahakot ng mga tao mula sa iba’t ibang probinsya.
Gumamit na rin sila ng photoshop artists para sa social media campaign para magoyo nila ang publiko na maraming tao sa kanilang mga concert rally, pero sablay pa rin at sadsad pa rin ang survey ratings niya.
Nitong huli ay nag-house-to-house campaign na rin pati ang mga anak niya tulad ni Tricia kung saan ay namimigay sila ng flyers na nagyayaya na iboto si Leni, pero sa likod nito ay may mga paninirang babasahin laban kay Bongbong Marcos.
Ang resulta tuloy sa halip na makakuha ng boto ay lalong nagalit ang mga tao sa kanila, dahil sa likod ng bait-baitan at disente nilang mga kilos ay nakita ng publiko na puro palabas lang pala iyon at hindi totoo.
At isa sa pinakamatinding ginawa nila na larawan na rin ng desperasyon ay nang palabasin nila na may viral na sex video ang isa sa mga anak niyang babae na anila ay pinakakalat ng kalaban nilang mga kandidato.
Pero nag-boomerang ito dahil tinawanan lang sila ng mga tao dahil obvious naman na walang ganoong video dahil sila lang ang nagsasabi at wala naman kahit isang tao na nakakita ng sinasabing bogus na video.
At ngayong mahigit dalawang linggo na lang bago ang halalan sa Mayo 9, ay nagkukumahog na sila para makumbinsi ang mga tao para makakuha ng atensyon at simpatiya sa publiko.
Ang masakit ay talagang walang traction ang mga ginagawa nila dahil semplang pa rin sila sa mga survey.
Nananatiling matibay at hindi natitinag sa kanyang pangunguna sa lahat ng survey si BBM.
Kaya naman pati ang New York Times at Time ay naglabas na rin ng mga artikulo na nagsasabing nakatakda siyang magwagi at maging susunod na pangulo ng Pilipinas.
Kaya naman kung nakakaintindi sina Leni dapat ngayon pa lang ay ihanda na nila ang mga sarili nila dahil malamang sa hindi ay sa kangkungan sila pupulutin pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9.
Mas maganda na iyong nakahanda na sila kaysa naman kung kailan na nandiyan na ang delubyo ay saka pa lang sila lilikas, wika nga ng matatanda.
