WALANG PASOK: METRO MANILA, ILANG PROBINSYA

BUNSOD ng inaasahang malakas na ulan at hagupit ng hangin mula kay Severe Tropical Storm “Opong”, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa klase at trabaho sa gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa bukas, Biyernes, Setyembre 26, 2025.

Ayon sa Memorandum Circular No. 102, walang pasok sa lahat ng antas at walang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Rizal, at Quezon.

Gayunman, tuloy pa rin ang operasyon ng mga ahensyang may kinalaman sa basic, vital, at health services, kasama na ang mga nakatalaga sa disaster preparedness at response duties.

Pwede namang magpatupad ng localized suspension ang mga LGU depende sa sitwasyon sa kani-kanilang lugar.

Samantala, ang mga pribadong kumpanya ay bahala na sa desisyon kung magsususpinde o hindi ng trabaho.

“Ang circular ay agad na epektibo,” ayon sa Palasyo.

(CHRISTIAN DALE)

10

Related posts

Leave a Comment