WALANG SORRY-SORRY: PCG SPOKESMAN TARRIELA NAGMATIGAS SA CHINA

WALANG balak na humingi ng paumanhin si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa kabila ng diplomatic protest na inihain ng Chinese Embassy kaugnay ng kanyang mga post sa social media.

Ang protesta ng Beijing ay kasunod ng mga post ni Tarriela na tumutuligsa sa umano’y agresyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang isang larawan mula sa kanyang talumpati sa De La Salle–College of Saint Benilde SDG Dialogue Series, kung saan makikita sa background ang mga comical images ni Chinese President Xi Jinping at ang banner na “Why China remains to be bully?”

Ayon sa Chinese Embassy, ang naturang post ay umano’y “attacking and smearing Chinese leaders,” isang “serious violation of China’s political dignity,” at isang “blatant political provocation” na lumalampas sa tinatawag nilang “red line.”

Dahil dito, naghain ang embahada ng diplomatic protest sa Malacañang, Department of Foreign Affairs, at Philippine Coast Guard.

Sa isang pulong-balitaan, iginiit ni Tarriela na walang awtoridad ang Chinese Embassy upang obligahin siyang magpaliwanag o humingi ng paumanhin.

“There’s no authority for the Chinese Embassy to ask us to explain,” ani Tarriela.

“I don’t think there’s a need for me to apologize to the Chinese Embassy,” dagdag pa niya.

(JESSE RUIZ)

53

Related posts

Leave a Comment