WANTED SA ROBBERY TIMBOG SA MPD

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 25-anyos na helper sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong robbery sa Paco, Manila noong Martes ng hapon.

Ang suspek na kinilalang si Arjie Aringo, binata, residente ng Tanigue St., Paco ay nadakip makaraan ang halos pitong taong pagtatago.

Batay sa ulat ng MPD-Station 9, bandang alas-5:30 ng hapon nang arestuhin si Aringo sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Felicitas Laron-Cacanindin, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 17, na may petsang Nobyembre 14, 2014.

Ayon sa pulisya, matagal nilang sinusubaybayan ang suspek bago ito nadakip. (RENE CRISOSTOMO)

181

Related posts

Leave a Comment