SINABI ni Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na nasunog ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park.
Ang establisimyento ay hiwalay at malayo sa main Headquarters at pasilidad ng PSG.
Nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga kanina kung saan ay kagyat namang rumesponde ang Malacañang Fire Station (MFS) at nagdeklara ng fire out bandang alas- 9:15 ng umaga.
Napag-alaman na isang heat gun ang naiwang nakasaksak ng crew nang umalis ito para mag-deliver ng tubig na siyang naging dahilan ng sunog.
Samantala, tiniyak naman ni Durante na walang personnel ang nasaktan o nasugatan mula sa nasabing insidente. (CHRISTIAN DALE)
236
