Kahit 20-taon na sa kumpanya 400 MANGGAGAWA SA VICTORY BUS, SINIBAK

INAASAHANG maraming manggagawa sa mga bus company ang mawawalan ng trabaho tulad ng 400 empleyado ng Victory Liner Inc. (VLI) na tinanggal sa kabila ng paninilbihan sa loob ng 20 taon dahil 50 porsiyento ang mababawas sa kita sa bawat byahe ng bus. Siguradong dagdag ito sa 7.3 milyong Filipino na nawalan ng trabaho hanggang nitong Abril. Matatandaang isinapubliko ng Philippine Statistics Authority (PSA) ilang linggo na ang nakalipas na 17.7% ang itinaas sa unemployment rate ng bansa nitong Abril. Sa datos na ‘yan, ang tatlong nangunguna sa kawalan ng…

Read More

MORATORIUM SA PAG-UWI NG LSIs, APRUB SA IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang moratorium sa pagpapauwi ng locally stranded individuals (LSIs) sa ilang lugar lamang. Ani Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na ito ay ang buong Region VI, buong Cebu Island kasama na ang Mactan, Region VIII at ang Caraga. Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Roque na maglalayag na ang isang bapor na unang nabalita na pupunta sa Dumaguete at Zamboanga na naantala ang pag-alis dahil wala raw PCR results. Hindi na aniya nire-require ang PCR. “Ang ating protocol pa rin po ngayon:…

Read More

980 UV Express, pumapasada na sa MM

uv express12

NAGSIMULA nang umarangkada ang 980 utility vehicles o UV express sa Metro Manila nitong Lunes. Ang UV Express na ito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay bibiyahe sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya tulad ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna; at sa apatnapu’t pitong rutang walang tumatakbong modern jeepney o city buses. ” So it will augment po iyong ating transportation needs,” ayon kay Sec. Roque. Ipinakita ni Roque qng infographics ng mga ruta, bilang ng available units pati na rin ang pamasahe. Ayon aniya sa LTFRB, wala pang…

Read More

DOH SUBSTANCE ABUSE HELPLINE 155 SUPORTADO SA SENADO

doh12

NANGAKO si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na tutulungan ang Department of Health sa inilunsad nitong Substance Abuse Helpline 155 nitong Biyernes upang isalba ang mga nabiktima ng illegal drugs at iba pang kemikal sa gitna ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na patuloy niyang susuportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa pagkalat ng droga. Isa si Dela Rosa sa mga speaker sa ginanap na Online Grand Launch of the “Substance Abuse Helpline 1550”…

Read More

PAGKAMATAY NG 4 SUNDALO SA JOLO, UNFORTUNATE INCIDENT – LORENZANA

ITINUTURING ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “unfortunate incident”ang nangyaring pagkasawi ng 4 na sundalo sa Jolo makaraan silang mabaril ng mga pulis. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Sec. Lorenzana na nakalulungkot ang ganitong pangyayari. Hindi naman na nagbigay ng karagdagang komento si Sec. Lorenzana habang gumugulong ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ng mga pulis sa 2 opisyal at 2 enlisted personnel ng Army. Aniya, nagsasagawa na ng inquiry ang National Bureau of Investigation sa Zamboanga. Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni Interior Secretary Eduardo Año na…

Read More

PATAS NA IMBESTIGASYON HIRIT SA MINDORO SEA MISHAP

KAILANGAN magkaroon ng malaliman at walang kinikilingang imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisda sa Mindoro noong Linggo ng madaling araw kung saan 14 ang iniulat na nawawala. “We demand an immediate and impartial probe on this latest incident as we fervently hope that our missing fishermen are far from danger,” ani  Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas. Base sa mga report, habang nasa laot ang mga mangingisda sakay ng fishing boat na Liberty Cinco sa karagatan ng Mindoro ay…

Read More

POGO NA MAY P50-B UTANG BAWIAN NG LISENSIYA

HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na kaagad bawiin ang lisensiya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na bigong magbayad ng utang sa buwis na umabot sa P50 bilyon nitong 2019. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, kailangan nang kumilos ang PAGCOR laban sa mga tax-delinquent POGO dahil kung walang parusa, at walang multa, hindi sila magbabayad ng utang sa buwis. “Kanselahin na ang lisensiya kung hindi pa rin maka-comply sa pagbabayad ng buwis,” ani Hontiveros. “PAGCOR should exercise its regulatory powers and come down…

Read More

‘Wag gamitin ang Doctors to the Barrios DOH PINAGHA-HIRE NG DOKTOR SA CEBU

NAKAKUHA ng kakampi ang Doctors to the Barrios (DTTBs) na pumalag sa utos sa kanila na lumipat sa mga private hospital sa Cebu City upang tumulong sa pagsugpo sa coronavirus disease-2019. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi dapat alisin sa mga barrio ang mga doktor, sa halip ay dapat kumuha ang Department of Health (DOH) ng mga bagong doktor at iba pang medical personnels. “Instead of ordering the transfer of DTTBs, DOH must step up its massive emergency hiring of health personnel with proper compensation, protection, and security…

Read More

NTC ipasasara na rin ang Channel 43 ABS-CBN KUMITA NANG ILEGAL

ULUYANG mawawala sa ere ang mga programa ng ABS-CBN dahil ipasasara na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Channel 43 na pinaglipatan ng kanilang mga dating programa matapos mapaso ang kanilang prangkisa noong Mayo 5, 2020. Sa ika-8 pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability nitong Lunes, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na maglalabas na ang mga ito ng alias Cease and Desist Order laban sa Channel 43. Naungkat din sa pagdinig ang mistulang pagkita ng ABS-CBN sa ilegal na…

Read More