‘Wag gamitin ang Doctors to the Barrios DOH PINAGHA-HIRE NG DOKTOR SA CEBU

NAKAKUHA ng kakampi ang Doctors to the Barrios (DTTBs) na pumalag sa utos sa kanila na lumipat sa mga private hospital sa Cebu City upang tumulong sa pagsugpo sa coronavirus disease-2019.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi dapat alisin sa mga barrio ang mga doktor, sa halip ay dapat kumuha ang Department of Health (DOH) ng mga bagong doktor at iba pang medical personnels.

“Instead of ordering the transfer of DTTBs, DOH must step up its massive emergency hiring of health personnel with proper compensation, protection, and security of tenure to encourage our healthworkers to apply, and to effectively combat COVID-19 and ensure health for all,” ani Elago.

Sa kasalukuyan ay nakatutok ang atensyon ng national government sa Cebu dahil dumarami ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Base sa mga datos na hawak ng Kamara, 72,470 permanent position sa DOH subalit 59,472 posisyon ang nilagyan ng ahensya ng tao na kulang pa ng 13,058 medical professionals.

May pondo na umano sa 72,470 kaya nararapat lamang na lagyan ng tao ang mga bakanteng posisyon upang dumami pa ang puwersa na tutugon sa problema sa pandemya. (BERNARD TAGUINOD)

169

Related posts

Leave a Comment