UMARANGKADA na sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa pamilya Villar at iba pang respondents. Sa inilabas na subpoena ng DOJ, kabilang sa mga ipinatawag sina dating Senador Manny Villar, dating Senadora Cynthia Villar, at magkapatid na Senador Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar, kasama ang iba pang sangkot sa kaso. Gayunman, walang miyembro ng pamilya Villar ang personal na dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na pinangunahan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong…
Read MoreAuthor: admin 3
SEN. MARK VILLAR, NATUWA SA BAGONG AUTHENTICATION RULE NG BSP LABAN SA ONLINE SCAMS
IKINATUWA ni Senador Mark Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mas makabagong authentication methods sa mga bank transaction simula Hunyo 30 ngayong taon. Ang hakbang ay kaugnay ng implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na layong palakasin ang proteksyon laban sa online fraud. Bilang principal sponsor at author ng batas, sinabi ni Senador Villar na mahalaga ang bagong polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba’t ibang uri ng online scams at phishing. Nangako rin ang senador na magsusulong pa siya ng…
Read MorePara buhayin ekonomiya ng Maynila P1.76-B AYUDA INILABAS NI ISKO
INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Lunes ng umaga, Marso 16, ang pagpapalabas ng P1.76 bilyon na tulong pinansyal, insentibo at bahagi ng kita upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya habang tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo dahil sa nagpapatuloy na armadong sigalot sa Middle East. Ayon kay Domagoso, ang pondong nagmula sa General Fund at Trust Fund ng lungsod ay inilalabas upang agad na umikot ang pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga residente, estudyante, empleyado ng…
Read MoreTIGIL-PASADA NG PISTON KASADO SA HUWEBES
NAGBABALA ng malawakang transport strike ang grupong PISTON sa darating na Huwebes, Marso 19 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Pangungunahan ng mga driver, operator at mga tagasuporta ang tigil-pasada na inaasahang gaganapin hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi pati sa iba pang bahagi ng bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, hindi sapat ang P5,000 fuel subsidy na ibinibigay ng pamahalaan sa mga tsuper upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Dagdag pa niya, hindi umano…
Read MoreGRADO NG MGA ESTUDYANTE HINIHILA PABABA NG BULLYING — EDCOM II
PINANGUNAHAN ni Senador Bam Aquino, chairman ng Senate Committee on Basic Education, ang pagdinig hinggil sa pagpapalakas at pagpapalawak ng Anti-Bullying Act para mas maprotektahan ang mga estudyanteng biktima ng pambu-bully sa mga paaralan, lalo na sa public schools. Dumalo rin sa pagdinig sina Senador Raffy Tulfo at Senador Win Gatchalian. (DANNY BACOLOD) MAY malaking epekto sa academic performance ng mga estudyante ang bullying, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education tungkol sa implementasyon ng Anti-Bullying Act, ipinrisinta ni EDCOM…
Read MorePALASYO DUMEPENSA SA ‘PAGDEDMA’ NI PBBM SA MGA UMUUWING OFW
IDINEPENSA ng Malacañang ang hindi pagpunta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ninoy Aquino International Airport upang salubungin ang mga Pilipinong umuwi mula sa Gitnang Silangan dahil sa patuloy na tensyon sa rehiyon. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na asikasuhin ang mga dumating na overseas Filipino workers. “Nandiyan po ang DMW at OWWA na siyang inutusan ng Pangulo na mag-asikaso at tumulong sa ating…
Read MoreHindi na happy kay Dy NUP KAKALAS SA MAJORITY BLOC?
PINAG-AARALAN ng National Unity Party (NUP) ang posibilidad na kumalas sa Majority Bloc sa Kamara at lumipat sa Minority Bloc. Ito ang kinumpirma ni NUP Chairman at Deputy Speaker Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, na nagsabing pag-uusapan ng kanilang 41 miyembro ang plano sa panahon ng Lenten recess. “Itong recess, magmi-meeting meeting, pag-uusapan namin,” ani Puno sa press conference. Ayon sa kongresista, mula pa sa simula ay suportado ng kanilang partido ang liderato ni House Speaker Faustino Dy, ngunit nais nilang suriin ngayong break kung mananatili pa ba sila sa…
Read MoreYGC Earth Care Pioneers a Sustainable Legacy for Nature and Community
As continuous natural disasters underscore the urgency for environmental action, the private sector must step up to help restore ecosystems and promote long-term sustainability. The Yuchengco Group of Companies’ (YGC) Earth Care Project is a blueprint for genuine, long-term commitment, moving beyond simple tree planting to a comprehensive ecosystem restoration and climate risk mitigation strategy. It establishes a powerful model where a deep commitment to caring for nature also empowers communities and uplifts lives. The initiative focuses on the restoration of previously degraded land in the heart of the Sierra…
Read MoreIsko nagpasalamat kay PBBM: 3,700 seniors sa Maynila, May P10K ayuda
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAPAT parusang kamatayan ang iparusa sa human trafficking, online sex exploitation ng mga bata at menor de edad, ‘di ba? Batay sa RA 1193, life imprisonment ang pinakamabigat na parusa, at P500K hanggang P10-milyon ang penalty sa convicted trafficker. Sana i-consider ito ng ating mambabatas, kasi ang isang biktima, halimbawa isang 15-anyos na batang babae na bukod sa inaalila na ay pinagsasamantalahan pa, ito ay isang continuing crime, paulit-ulit na pagdungis hindi lang sa pisikal na katawan ng biktima, kundi pati rin sa kaluluwa…
Read More