2 TOP MOST WANTED SA NAGA ARESTADO SA PNP-PRO5

0

DALAWANG top most wanted person sa Naga City ang sinilbihan ng warrant of arrest sa isinagawang law enforcement operation ng mga kawani ng Naga City Police Office noong Disyembre 1, 2021.

Dakong alas-1:30 ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang top 9 station level wanted person na kinilalang si Jesus Nazareno Jr. y Amaro, 28-anyos, walang asawa, marketing staff at residente ng Zone 6, Paraiso St., Sta. Cruz, Naga City. Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12, Article 11 ng RA 9165, na may piyansang P40,000.

Pagsapit naman ng alas-6:30 ng gabi, napasakamay ng mga awtoridad ang top 8 station level wanted person na nahaharap sa pitong bilang ng kasong libel.

Kinilala ang suspek na si Antonia Martinez y Oliva, 50, walang asawa, walang trabaho at residente ng Zone 2, Brgy. Bagumbayan Sur, Naga City.

Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P78,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ang mga nahuli ay nasa kustodiya na ng himpilan ng NCPO para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Ang PNP Bicol, sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay walang tigil sa pagsasagawa ng operasyon upang hulihin at pagbayarin ang sino mang may nagawang paglabag sa batas. Gayundin ang ginagawang inisyatibo at kampanya ng pulisya upang mapigilan ang paglaganap ng katulad na mga insidente. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment