IWAS KORAP SA ZERO-CONTACT

0

KUMPIYANSA ang Bureau of Customs (BOC) na mababawasan, kung hindi man tuluyang matutuldukan, ang katiwalian sa ilalim ng isang sistemang zero-contact sa proseso ng kawanihan.

Agresibo na rin isinusulong ng Port of Limay ang pagpapalawak ng zero-contact policy bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na siyang nagsulong sa limitadong “face-to-face transactions” sa pagitan ng kanilang kawani at mga stakeholders ng import-export industry.

Sa ilalim ng CCC service center, maipo-proseso ang centralized document receiving at releasing, pagbabayad ng kaukulang buwis, pagkuha ng mga pass control at iba pang saklaw ng serbisyong kalakip ng nasabing sistema.

Paniwala ni BOC-Port of Limay District Collector William Balayo, bukod sa agresibong paghihigpit sa kanilang pwerto, higit na lalaki pa ang koleksyon ng kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng mga makabagong sistemang dulot ng modernisasyon sa kawanihang dating kilala lamang sa katiwalian.

Pagmamalaki pa niya, hindi pa nagmintis ang Port of Limay sa itinakdang target mula buwan ng Enero. Katunayan pa aniya, ito lamang buwan ng Agosto ay nakapagsampa ng humigit kumulang P7-bilyong kita ang Port of Limay – higit pa sa itinakdang  P5.26 bilyon.

Aniya, hindi na rin uubrang magbaba ng mga kargamento sa kanilang pwerto hangga’t hindi naiinspeksyon.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment