QC COVID-19 POSITIVITY RATE TUMAAS NG 25%

0

NAKAPAGTALA ng 25 porsyento ng positivity rate ng COVID-19 ang Quezon City noong nakalipas na mga araw.

Ang 25% positivity rate ay mas mataas sa pamantayan ng World Health Organization Health (WHO) na 5% lamang.

Ipinakikita lamang nito na marami ang nagpopositibo mula isinasagawang testing ng Quezon City.

Ayon sa OCTA Research ng University of the Philippines (UP), patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Batay ito sa April 5 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 1.65 na bahagyang bumaba mula sa nakaraang linggo.

Ipinakikita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.

Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Umabot sa tinatayang 3,500 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang Linggo.

Sa pinakahuling tala ng Quezon City, hanggang Abril 7, 2021, umabot na sa 54,937 ang kabuuang kaso, 43,303 ang nakarekober, 10,708 ang aktibong kaso at 926 ang namatay. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment