COMPUTERS SA MGA JAIL DARAGDAGAN NI REP. NOGRALES

NANGAKO si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na daragdagan ang mga computer sa mga kulungan dahil idinadaan na sa video conference ang pagdinig ng mga korte sa kaso sa mga People Deprived with Liberty (PDLs).

“Pipilitin po natin na madagdagan pa ang mga computer sa mga kulungan natin sa buong bansa para na rin magkaroon ng access ang mga PDL natin sa tulong legal,” pahayag ni Nograles.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos umabot sa 4,683 PDLs ang napalaya sa loob lang ng isang linggo o mula Abril 30 hanggang Mayo 8, 2020 matapos dinggin ang kanilang mga kaso sa pamamagitan ng video conference.

Nabatid na simula nang mag-isyu ng circular ang Korte Suprema na nag-aatas sa mga korte na bilisan ang pagpapalaya sa mga PDL na hindi kabigatan ang kaso ay umaabot na sa 9, 731 ang napalaya.

Kabilang ang Office of the Court Administrator (OCA)  Circular No. 93-2020, na nag-aatas sa mga korte na magsagawa ng virtual hearing sa mga kaso ng PDLs dahil  sa extended community quarantine at general community quarantine, na naglalayon ding mapaluwag ang mga kulungan sa bansa lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Everyone is forced to adapt to the extraordinary circumstances we face today, and I’m glad that the SC is not allowing itself nor our courts to be left behind. We need all the tools we can use in facing this uncertain future, and allowing virtual hearings is certainly a welcome move,” ayon sa Harvard trained lawyer.

Dahil dito, nangako si Nograles,   na nasa likod ng Lakbay Hustisya Foundation at nakapag-donate na ng mga computer sa iba’t ibang kulungan para sa electronic-dalaw ng PDLs, na pipilitin nitong dagdagan ang mga computer sa mga kulungan sa bansa.

Inayunan din ng mambabatas si SC Associate Justice Marvic Leonen na ang pagpapaluwag sa mga kulungan sa bansa ay hindi lang responsibilidad ng Korte Suprema kundi ng mga local government kasama ang Executive at Legislative Branch ng gobyerno.

“It is true that this is an issue best addressed by the whole government. And given the urgency, I hope that all parties concerned will be able to convene at the soonest possible time. This is an issue that goes beyond the pandemic; it is rooted at humanitarian considerations and the rehabilitative aspect of our prison systems,” ani Nograles. BERNARD TAGUINOD

 

129

Related posts

Leave a Comment