NFA RICE ‘DI MUNA IBEBENTA SA PRIVATE TRADERS

nfa1

‘LOCKDOWN’ din ang bigas ng National Food Authority (NFA) dahil hindi muna sila magbebenta sa mga private trader upang unahin ang pangangailangan ng gobyerno ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Jonathan Yazon, NFA-Bulacan manager, nakareserba ang kanilang bigas para sa procurement ng mga local government unit (LGUs) at iba pang government agencies para sa COVID-19 relief operations.

Ipinaliwanag ng NFA official na prayoridad nila ang mga provincial, city at local municipalities at ang kanilang mga social welfare and development office para
maka-avail ng rice stocks na limitado lamang sa 500 sacks kada transaksyon.

Ang mga barangay unit ay maaari ring bumili ng NFA rice para sa kanilang relief operations pero kailangan ng endorsement mula sa mga city/municipal mayor.

Samantala, sinabi ni Piolito Santos, NFA regional director for Central Luzon, ang kanilang grains inventory sa rehiyon ay 1.63 million bags ng palay at 79,575 bags ng bigas na sapat para sa 15 araw. ELOISA SILVERIO

Related posts

Leave a Comment