Pag-aaral nais padaliin ni Rep. Nograles EASY ACCESS SA KABATAANG PWDs

0

KAAKIBAT ng layuning matulungan sa kanilang pag-aaral ang mga batang kabilang sa persons with disabilities (PWDs), namahagi si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ng aabot sa 200 digital tablets kamakailan.

Personal na inabot ng mambabatas ang mga tablet sa mga estudyanteng PWD.

“Alam natin na napakaraming pagsubok ngayon na hinaharap ng mga batang may kapansanan sa kanilang online o distance learning,” ayon sa bagitong mambabatas.

“Kaya patuloy tayong nakaagapay sa ating mga PWD upang masigurado ang kanilang patuloy na pag-aaral,” dagdag pa nito.

Plano ni Nograles na palawigin at gawing institusyon na ang nasabing programa upang matulungan ang mga disabled student na malagpasan ang iba’t ibang pagsubok sa distance learning.

“Makikipagpulong po tayo sa mga special education stakeholders nang mas maintindihan natin kung paano mapupunan ang mga pagkukulang at maging mas makabuluhan ang suportang ibibigay natin sa kanila,” ayon pa Harvard trained-lawyer.

Ang mga ipinamahaging gadgets ng mambabatas sa mga PWD student ay paunang tulong pa lamang kaya naghahanap ito ng makakatuwang mula sa pribadong sektor at maging sa mga sektor ng akademya para maipagpatuloy ang pagtulong sa mga ito.

“We are envisioning putting in place a system that ensures easy access for children with disabilities and their families so that they are not left behind. This means establishing effective linkages, among others, so we can provide primary and supplementary learning resources at a subsidized rate, if not free,” ayon pa kay Nograles.

Si Nograles ay regular na tumutulong sa PWDs, senior citizens at iba pang bulnerableng sektor ng lipunan. (BERNARD TAGUINOD)

Related posts

Leave a Comment