BABAENG MAG-AARAL NANGANGANIB MAHINTO SA ESKWELA

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na malaki ang posibilidad na tumigil sa pag-aaral ang batang kababaiihan sanhi ng pananalasa ng corona virus 20-19 (COVID-19) kaya hinimok nito ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng isang mabisang paraan upang maiwasan ito ngayong nasa huling yugto na ng enrollment period.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na batay sa naging karanasan ng bansa kapag may krisis, hindi malayong bumaba ang enrollment rate ng estudyanteng babae, tulad halimbawa ng nagdaang Asian financial crisis.

“Noong tumama ito sa bansa taong 1998-1999, mas mataas ang ibinaba ng enrollment rate ng estudyanteng babae

na walong porsiyento kumpara  sa enrollment rate ng estudyanteng lalaki na pitong porsiyento,” ayon kay Gatchalian.

Inihalimbawa rin ng mambabatas ang Ebola outbreak sa Sierra Leone, isang bansa sa West Africa, kung saan maraming babaeng nasa edad 12-17 ang hindi nakapag-enroll nang magbukas ang klase.

“Bukod sa nakaranas ng maagang pagbubuntis at sexual abuse ang ilan, sumabak naman sa child labor ang iba.

Mayroon din sa kanilang nagmistulang tagapangalaga ng pamilya kaya hindi na naipagpatuloy at nakapagtapos sa pag-aaral,” ayon kay Gatchalian.

At ngayong may pandemya, sinabi pa ni Gatchalian na base sa pinakahuling ulat ng International Labour Organization (ILO), mas malaking pinsala ang sanhi ng krisis ng COVID-19 sa batang kababaihan.

Sinabi ni Gatchalian na dapat bumuo ang DepEd ng patakaran upang mapayagang makapasok sa eskuwela ang mga batang ina at mawala ang stigma at diskriminasyon sa kanila at makapagpatuloy sila sa pag-aaral.

Babala ni Gatchalian, kapag hindi nila naipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, hindi malayong mapagkaitan sila ng oportunidad sa trabaho at mapabilang sa tumataas na poverty rate.

Sa Hulyo 15 magtatapos ang enrollment samantalang sa Agosto 24 naman nakatakda ang pagbubukas ng klase. (ESTONG REYES)

151

Related posts

Leave a Comment