PROBLEMA ANG KAWALAN NG DATABASE SA EKSAKTONG BILANG NG MAHIHIRAP

Badilla Ngayon

NAPAKALAYO na ng iniunlad at iniangat ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1960s.

Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa nangungunang mataas ang gross domestic product (GDP), sukatan ng pag-unlad ng ekonmiya ng isang bansa.

Ngunit, milyun-milyon ang hindi nakikinabang sa maunlad na ekonomiya ng bansa.

Napakaraming mahihirap na mga pamilyang Filipino mula tuktok ng Luzon hanggang talampakan ng Mindanao.

Ngunit, hindi sila kasama sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaya, hindi lahat ng mahihirap ay nabibigyan ng pampinansiyal na ayuda (Conditional Cash Transfer at Modified Conditional Cash Trtansfer) ng pamahalaan kada buwan.

Hindi rin pinabayaan ng DSWD ang mga miyembro ng 4Ps nang ipatupad ng administrasyong Duterte ang P5,000 hanggang P8,000 kada buwan na Social Amelioration Program (SAP) mula sa P275 bilyong
pondong inihiwalay para sa pagpapatupad ng bagong batas na “Bayanihan to Heal as One” laban sa kahirapan ng buhay dulot ng novel coronavirus disease 2019 (COVID – 19).

Ang inilabas ni Senate President Vicente Sotto III ang bilang ng mga mahihirap na pamilya makikinabang sa P275 bilyon sa media. Lumalabas na ay 18 milyong pamilya (pamilya po ha!), ang hindi

ko lang alam kung saan galing ang 18 milyon ni Sotto.
Nitong Oktubre 2018, binanggit ni DSWD Undersecretary Florita Villar “4,178,985 are active household beneficiaries.”

Sa binanggit ni Villar, 3,950,012 kabahayan ang regular na nakatatanggap ng pera dahil kasama sila sa Conditional Cash Transfer (CCT) ng DSWD, samantalang 228,973 naman ang nakapaloob sa Modified Conditional Cash Transfer (MCCT).

Pansinin sana ng lahat na ang ginamit na termino ay,“household”.

Dito sa Pilipinas, maraming bahay ang umaabot sa dalawa, tatlo hanggang apat na pamilya dahil sa sobrang kahirapan.

Kaya, siguradong napakaraming bahay o tinirahan ng mga kasapi ng 4Ps na pinaghahatian ng dalawa, tatlo o higit pamilya ang CCT at MCCT na ibinibigay ng DSWD kada buwan.

Nitong 2019, naglabas ng feature story ang Philippine Information Agency (PIA) hinggil sa 4Ps na ganito ang inihayag ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista: “As of November 2019, 4Ps

has a total of 3,993,180 household beneficiaries provided with cash grants utilizing funds in the amount of P57,863, 606,400. “

Idinagdag ni Bautista na “with the on-going Listahan household assessment, more beneficiaries will be added to reach its goal of sustained 4,400,000 household beneficiaries.”

Nitong Byernes, sinimulan ng DSWD ang pamamahagi ng P16.34 bilyon sa 3.5 milyong kabahayang tumatanggap ng CCT ng 4Ps sa iba’t ibang panig ng bansa, kasama ang Metro Manila.

Sa tulong ng mahigit 42,000 barangay, kukunin ng DSWD ang bilang ng mga mahihirap na pamilyang Filipino na hindi kasama sa 4Ps upang mabigyan din ng P5,000 hanggang P8,000 na SAP mula sa natitira sa P275 bilyon.

Nasimulan na ito dahil namigay na ng SAP card ang bawat barangay.

Magandang balita dahil binilisan ng DSWD ang ayuda kumpara sa mga nakalipas na buwan at taon.

Pero, ipinakita ng pangyayaring ito na palpak ang pamahalaan hinggil sa totoong bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Ipinamukha sa atin ng pamahalaan na wala ito ng tinatawag na “database” o listahan ng mga mahihirap sa bawat lungsod at bayan ng bansa.

Ang sabi ni Sotto nitong Linggo na nagkausap na sila ni Finance Secretary Carlos Dominguez III hinggil sa palpak na listahan.

Idiniin ni Sotto na nangako si Domiguez na aayusin ang magkasalungat na listahan ng DSWD at ng local government units (LGUs) hinggil sa totoong bilang ng mga mahihirap na pamilya.

Importante ang totoo at tapat na listahan ng mga mahihirap upang malaman ng pamahalaan kung ilan ang totoo, eksakto at tapat na listahan ng mga mahihirap na pamilya, sapagkat ginagamit hindi lamang sa pamamahagi ng tulong sa kanila, kundi ang listahan din ang ginagamit sa pagsubaybay kung nababawasan o dumarami ang bilang ng mga mahihirap bawat buwan, kwarter at taon.

Nakadidismaya at nakakabuwisit naman sa sobrang haba na ng panahong napakaraming mahihirap na mga Filipino, ngunit ganoon din kahaba ang panahong walang matino, eksakto at tapat na listahan o database ng mga mahihirap ang pamahalaan.

Related posts

Leave a Comment