REBOLUSYON NG mga HEALTH PROFESSIONAL KAPALPAKAN NG PAMUNUAN NG DOH

0

MAHAL na Pangulong Mayor Duterte huwag na kayong madismaya sa mga over worked na mga health professional at mga frontliner, kayo ba namang 12-16 hours na nagdu-duty sa tingin nyo po ba maayos pa nilang magagampanan ang kanilang tungkulin?

Kaya naman po nila siguro nagawa na idaaan na sa media ang kanilang hinaing dahil po sa kawalan ng aksyon ng inilagay mong kalihim ng Department of Health (DOH).
Hayaan mo po mahal na Pangulo nakita ninyo na ang situwasyon o tunay na kalagayan ng mga health frontliners sa bansa particular na dito sa National Capital Region (NCR) ano po ba ang paliwanag sa inyo ni DOH Secretary Francisco Duque III?

Sa palagay ko lang naman po kaya siguro idinaan na ng health workers o professionals ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng media na dapat di na nangyari kung ang DOH Secretary  na si

Francisco Duque III ay ginawa ang kanyang trabaho!!

Matagal na pong hinaing ng mga health professional yan dahil naaalala ko pa na sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril, mismong ang kontrobersyal na si Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na bagama’t di naman siya doktor pero may sense of humor na ipinaabot o iminungkahi niya sa DOH.

Ang sabi niya noon ay gamitin ang mga barangay health worker para makatulong sa laban sa COVID-19 dahil existing na ang mga yon kaysa  magkumahog pang maghanap o mag hire ng mga health worker ang DOH.

Kahit nga ang KARAMBOLA ng DWIZ halos walang linggo na hindi tinatalakay ang nasabing isyu para lamang maging mabilis ang pagtugon sa hinaing ng mga health worker pero dahil sa pagdeadma o tengang kawali ni Sec. Duque hayan po pumutok na ang isyu.

Kasi po mahal na Pangulong Mayor matagal ng sinasabi ng health professionals na kailangan na talaga silang masuportahan dahil sa sobrang pagod na nila sa paglaban sa COVID-19.

Pero dahil sa kawalan ng aksyon ng iyong kalihim sa pangkalusugan kaya po ayan gaya ng sabi po ninyo nagrebolusyon sila na hindi naman dapat mangyari kung binigyan kaagad ng pansin ang kanilang hinaing.

Gayunpaman, salamat po sa inyo at nakinig po kayo sa kanilang panawagan at ilagay ang National Capital Region at ilang lalawigan sa modified enhance community quarantine bagamat mahirap para sa karamihan subalit siya pong nararapat dahil mas mahalaga ang buhay kaysa mga trabaho, kabuhayan at ekonomiya.

Mahal na pangulong Mayor tanong lang?! Anong mayroon si Duque na wala yung mga sinibak mong mga kaibigan na naging gabinete mo pa at ang sabi mo nga sila ay dekada mo nang mga nakasama pero dahil sila’y nasangkot sa anomalya sinibak mo?

Pero si Sec. Duque kailan mo lang naging DOH Secretary at sa tingin ng publiko ay sangkot din sa anomalya ay di mo masibak? Talaga bang ganoon siya kahalaga sa inyo? Nagtatanong lang po!?.

Kaunting paalala lang, Secretary Duque dahil sa mga pangyayari ngayon at mai-save mo pa ang iyong reputasyon at ng iyong pamilya ay magpaalam ka na upang mabigyan daan mo naman ang

Pangulo para makakuha ng iba na maaring mas magaling kaysa sayo?! Di ko po sinasabing di kayo magaling ha!

Kasi sa buhay po natin kahit pa sabihin ng iba na magaling tayo pero ang katotohanan po ay mayroong mas lamang sa ating taglay na kagalingan at kakayanan.
Stay safe po sa lahat ng mga “KA-SAKSI at mga KABALAT”.

Related posts

Leave a Comment