DU30 DEADMA NA SA MARTIAL LAW SA NEGROS

negros oriental44

(NI BETH JULIAN)

TALIWAS sa naunang pahayag, wala na ngayon sa hinagap ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala na sa agenda ng Pangulo ang pagdedeklara ng martial law sa nasabing lalawigan dahil wala namang nagaganap na state of rebellion doon.

“Sa ngayon kasi unbridled patayan pa lang nangyayari. Kasi under the Constitution, dapat may rebellion para magdekla ng Martial Law,” pahayag ni Panelo.

Ipinaliwanag ni Panelo na nakapaloob sa Constitution na maari lamang ipatupad ang martial law kapag may rebelyon.

Giit ni Panelo na sapat na ang 300 puwersa ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police para panatilihin ang peace and order sa lugar.

Batay sa talaan, nasa 21 katao na ang napatay sa Negros Oriental noong buwan lamang ng Hulyo dahil sa gulo sa lalawigan.

 

Read More

SITWASYON SA NEGROS ORIENTAL, BALIK-NORMAL NA

(NI AMIHAN SABILLO)

BALIK-NORMAL na ang sitwasyon sa Negros Oriental makaraan ang halos isang linggong patayan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, unti-unti nang bumabalik ang kaayusan sa mga bayan ng Sta. Catalina, Siaton, Dumaguete, Zamboanguita, Gihulbgab, Cablaon at Ayungon matapos ang pina-igting na seguridad ng Police Regional Office 7 sa tulong na rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Katunayan umano ay naaresto na ang ilan sa mga suspek ng serye ng pamamaslang, kabilang sina Edmar Amaro at Jojo Ogatis na miyembro umano ng NPA ar nahulihan ng baril at pampasabog.

Sila ay itinuro ng mga testigo na kasama sa grupong pumatay sa apat na pulis sa Ayungon noong July 18.

Tatlong suspek  pa na naaresto sa Badian, Cebu ay wala pang kumpirmasyon kung sila ay kasama sa mga suspek na pumatay sa apat na pulis.

Matatandaan na itinaas na sa P5 milyong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa pagkaaresto ng mga suspek na pumatay sa apat na pulis na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino De Leon sa Sitio Yamot, Brgy. Mabato in Ayungon , Negros Oriental.

Read More

EMERGENCY POWERS NI DU30 POSIBLENG GAMITIN SA NEGROS

NEGROS ORIENTAL22

(NI BETH JULIAN)

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang kanyang emergency powers para wakasan ang lumalalang karahasan sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, galit at hindi na makapagpigil ang Pangulo sa ginagawang paghahasik ng gulo ng New People’s Army (NPA).

Sa inilabas na statement ng Malacanang, sinasamantala na ng mga rebeldeng komunista ang nangyayaring land dispute sa lugar at tila inaangkin ang probinsya.

Bunsod nito, kinokonsidera na ng Pangulo na gamitin ang kanyang emergency power para masupil ang mga imsidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga rebelde.

Giit ng Malacanang, sobra na ang ginagawa ng rebeldeng grupo kung saan mistulang sila ang nagpapasya sa kung sinu-sino ang dapat na magmay-ari ng mga lupain sa lalawigan.

Kaya naman ibinabala ng Pangulo na dapat nang tapatan ang inihahasik na kaguluhan ng rebelde sa mga inosenteng sibilyan at mga awtoridad sa lugar.

Una nang naglabas ng P5 milyon halaga ng reward money ang Pangulo para sa makahuhuli sa mga pumatay sa apat na pulis Negros, buhay man o patay.

Read More

MARTIAL LAW SA NEGROS ORIENTAL PINAG-AARALAN NA NI DU30

martial law

(NI BETH JULIAN)

IKINOKONSIDERA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng Martial Law sa Negros Oriental.

Sa press briefing  kanina sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagkausap sila Miyerkoles ng gabi ng Pangulo kung saan isa lamang ito sa sinasabi ng Pangulo na bahagi ng ipatutupad niyang emergency powers para mapigilan ang patuloy pamemerhuwisyo at paghahasik ng karahasan ng NPA sa lalawigan.

Ayon kay Panelo, kung sakali ay posibleng hiwalay na deklarasyon ito ng ML at walang lalabagin na probisyon sa Saligang Batas.

Sinabi ni Panelo na sa tantiya ni Duterte, mukhang hindi kakayanin ng dagdag na puwersa ng PNP ang tuluyang pagsawata ng mga pag-atake ng NPA.

Sa ngayon ay umiiral pa rin ang ML sa buong Mindanao region.

Kinontra naman ni Panelo ang obserbasyon ng ilan na tila hindi naman epektibo ang ML dahil patuloy pa rin nakalulusot ang mga insidente ng pag-atake ng mga grupong terorista sa ilang bahagi ng Mindanao at ang karahasan ng mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Panelo, kung hindi epektibo ang ML sa Mindanao, mismong mga residente na sana ang magrereklamo.

Pero sa ngayon ay mas gusto ng mga residente sa Mindanao ang pagpapairal ng ML dahil ligtas ang kanilang pakiramdam laban sa banta sa seguridad.

 

Read More

INSURANCE SA 27-M STUDENTS PLANO NG DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

PLANO ng Department of Education (DepEd) na pagkalooban ng year-round insurance ang may 27 milyong mag-aaral sa bansa.

Mismong si Education Secretary Leonor Briones ang nag-anunsiyo nito nang personal na magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng limang estudyante, na kinabibilangan ng grade school students, ng Basay National High School, na nasawi sa isang aksidente sa Zamboanguita, Negros Oriental noong Marso 1.

Ayon kay Briones, dahil sa naturang aksidente ay bumuo sila sa departamento ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataan, lalo na kung lalabas sila ng kanilang mga paaralan, gaya ng paglaban sa mga kumpetisyon at iba pang aktibidad na may kinalaman sa kanilang pag-aaral.

Pangunahin aniya dito ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng year-round insurance.

“First is the provision of insurance for all schoolchildren—all 27 million of them—year round,” anunsiyo Briones.

“Each time groups of children go out of the periphery of our campus, participate in competitions, and travel to other places, they have to be covered by insurance so that if there is a need for benefits and for assistance, these can be available,” dagdag pa ng kalihim.

Kasabay nito, umapela rin si Briones sa mga regulatory agency na mas talasan ang kanilang mga mata at magsagawa ng mas maraming robust assessment at monitoring sa mga behikulo, partikular na sa mga public utility vehicles (PUV) kagaya na lamang nang sinakyan ng mga estudyanteng biktima nang maaksidente ang mga ito noong Marso 1.

Tinukoy din ni Briones ang pangangailangan nila sa quick response fund, dahil ang probisyon para sa financial assistance sa mga ganitong uri ng kaganapan ay hindi anila kasama sa budget ng DepEd.

Tiniyak naman ni Briones na lahat ng kanilang naturang plano ay kanilang ihahayag sa Kongreso sa susunod na budget proposal nila.

Samantala, nanawagan rin naman si Briones sa publiko, gayundin sa mga civil society organizations, local government units, national government institutions, at mga komunidad, na maging mas vigilante pa sa pagprotekta  ng mga kabataan, na siyang pangunahing nagiging biktima ng mga aksidente at pang-aabuso.

“It’s really such a great loss. We did not lose only the lives of children; we lost so much promise, so much ambition, and so much hope,” ani Briones.  “And this is a result, perhaps, of lack of vigilance on the part of us—us who are grown-ups, us who are responsible for these children’s safety.”

 

Read More