1 MILYON PANG SINOVAC INAASAHAN NGAYONG MARSO

INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuloy-tuloy na pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Aniya, sa unang plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso.

“Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950 (libo),” aniya. (CHRISTIAN DALE)

 

336

Related posts

Leave a Comment