1 PANALO NA LANG, PETECIO KASADO NA SA TOKYO OLYMPICS

2020 TOKYO OLYMPICS

IPINAKITA ni featherweight Nesthy Petecio kung bakit siya world champion, nang dominahin si Krismi Lankapurayalage ng Sri Lanka, 5-0 sa ikalawang araw ng kompetisyon ng Asian-Oceania Olympic Qualification Tournament for Boxing sa Prince Hamzeh Hall, Sport City sa Amman, Jordan. At isang panalo na lang para makakuha ng tiket pa-Tokyo Olympics.

Ang 27-anyos na pambato ng Pilipinas mula sa Davao de Sur ay angat na angat ang husay sa pagdomina sa Sri Lankan, dahil kahit walang naganap na knockdowns o standing 8-count ay nagbigay ang ilang hurado ng 10-8 scores.

“Sobrang focused ako dito. Baka ito na ang last chance ko to be an Olympian. Kailangan seryosohin lahat ng laban,” pahayag ni Petecio, na paminsan-minsan ay nagpapalit ng kanyang porma (southpaw at orthodox) para lang bugbugin ang kalaban niya.

Sa Linggo ang susunod na laban ni Petecio kay Japanese Sena Irie, kung saan ay 1-1 ang kanilang head-to-head record.

“Maganda ang kinikilos ni Nesthy ngayon. Last time sila nagkita sa World Championships, 4-1 ang panalo ni Nesthy sa kanya. Sila ang mag-adjust ngayon pero handa kami,” pahayag ni former Olympian Reynaldo Galido, na humalili bilang women’s head coach kay Nolito Velasco.

Noong Miyerkoles din ng gabi, nagtala ng panalo si Riza Pasuit para sa Philippine squad via 3-2 win laban kay Saya Hamamoto ng Japan sa kanilang lightweight match.

Kagabi (Huwebes) si World Championships silver medalist Eumir Felix Marcial, na No. 1 seed din gaya ni Petecio, ay makikipag-umbagan kay Kirra Ruston ng Australia, na nanaig laban kay HongKongs’s Tai Leong Kan. Habang si lightweight James Palicte ay sasagupa kay Elnur Abduraimov ng Uzbekistan, matapos magdraw ng bye sa first round ng prelims. (VT ROMANO)

130

Related posts

Leave a Comment