1 PATAY, 13 SUGATAN SA ARARO NG JEEP

PATAY ang isang tricycle driver habang 13 iba pa ang sugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang apat na sasakyan sa Brgy. Fortune, Marikina City nitong Martes ng umaga.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Marikina/San Mateo Bridge, malapit sa Rolling Hills ng nasabing Barangay dakong alas-9:30 na nagresulta sa pagkamatay ni Michael Panuncio y Villasis, 36, at ikinasugat ng 11 pasahero ng pampasaherong jeep at sa driver ng pangalawang tricycle na inararo nito.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nestor John Antiquera,19; Clarence Gutirrez y Victorino, 17;   Vilma Gineto y Talento, 55;  Justin Claire Reguiran y Gallos, 27; Guinhawa Sollano y Casicas, 47;  Aireen Bautista Alfonso, 36;  Marianel Asuncion y Fernando, 21;  June Bugayang y Mercado, 42;  Joey Roldan y Escalana, 53;  Crysta Joy Nalles Bajada, 24;  Arnold Panopio y Dolor, 26,  pawang mga sakay ng bumanggang jeep.

Sugatan din ang driver ng umarong pampasaherong jeep na si Victor Michael Talplacido y Romantico, 36-anyos.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng pampasaherong jeep (TVV-121) ang daan pababa mula sa East-West direction ng Monterey Hills patungo ng San Mateo/Marikina Bridge nang mawalan ito ng preno dahilan para masuro ang unang Kawazaki type na tricycle (UZ 9943) na tumilapon at nahulog ang drayber nitong si Panuncio sa ilalim ng nasabing tulay na agad niyang ikinamatay.

Sunod na inararo ng jeep ang pangalawang Kawasaki BC175 tricycle na minamaneho naman ni Sailito Atendido y Tamayo, 52, dinala sa AMRC, na bumangga naman sa likurang bahagi ng isang Mitsubishi Mirage Sedan (ABQ 3512) sa unahan nito, na minamaneho ni Anthony Renz Divina y Sermino, 21, at sa isa pang tricycle na nakaparada, na minamaneho ni Roger Antonio y Sollue, 59-anyos.

Nasa kustodiya na ng Marikina City Police Station ang driver ng umararong jeep na nahaharap sa kasong homicide, multiple physical injuries at multiple damage to properties. (NICK ECHEVARRIA)

 

221

Related posts

Leave a Comment