1 PATAY, 4 SUGATAN SA AKSIDENTE SA SKYWAY PROJECT

INIIMBESTIGAHAN ng San Miguel Corporation ang insidente ng pagkamatay ng isang lalaki habang apat pa ang sugatan makaraang bumagsak ang isang steel girder sa bahagi ng ginagawang Skyway extension sa East Service Road, Cupang, Muntinlupa City ngayong Sabado.

“We deeply regret this unfortunate accident and assure a full and thorough investigation. Our thoughts and concern are with the victims and we will make sure they will get all the help they need. Their welfare is our priority,” pahayag ng SMC.

Ayon sa imbestigasyon, nasagi ang steel girder hanggang bumagsak ang crane habang inililipat sa susunod na posisyon na nagresulta sa pagkakasugat ng dumaraang mga motorista.

Sasagutin ng EEI construction company ang lahat ng danyos ng mga biktima sa aksidente.

Ayon sa report, anim na sasakyan ang nabagsakan kabilang ang isang taxi, van, AUV at dalawang motorsiklo.

Inaasahang matatapos ang proyekto ng Skyway Extension Sa Disyembre 2020 at makukumpleto na sa Pebrero 2021. (CYRILL QUILO)

245

Related posts

Leave a Comment